Tuesday, September 13, 2011

Sana Dalawa Ang Puso Ko

Parang kailan lang, buhay ko'y walang gulo
May minamahal at minamahal ako
Nang makilala ka, buhay ko'y biglang nagbago
Ako'y nagtataka, puso ko'y litung-lito

Nagsimula ang lahat sa isang simpleng pagkikita, simpleng pagkakape sa "Starbucks". Kwentuhan, chikahan, tawanan... Hindi ko sukat akalain na ang simpleng pagkakape na yun ay masusundan pa ng di mabilang na pagkikita....... at di inaasahang pagkahulog ng loob sa isa't-isa..... na nauwi sa isang seryoso at malalim na relasyon.... Yun nga lang, dalawa silang minamahal ko..........

Bakit nga kaya iisa ang puso natin
Hindi naman natin maaring hatiin

Kung sana pwedeng magmahal ng sabay, eh di wala sanang nasasaktan....

Sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana nalilito kung sino sa inyo
Sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo

Matagal ko na ding tanong to. Hindi ko alam kung sadyang mapaglaro ang tadhana at talagang nananadya na kung kelan may mahal nako saka naman may nakilala akong tao na nagbibigay ng kaligayahan at pagmamahal sakin ng walang alinlangan.......

Para bang tukso na 'di ko kayang matalo
Isip ko'y lito, walang mapili sa inyo
Sabi nga nila, 'di maaring magpantay
Pag-ibig sa dal'wa; kaya tanong ko lagi ay...
Bakit nga kaya iisa ang puso natin
Hindi naman natin maaring hatiin
 
Sobrang hirap! Alam na alam ko ang dapat gawin. Pero kahit anong gawin ko, may masasaktan talaga. At isa ang sigurado ako, masakit sa akin kung sino man ang pipiliin ko at iiwanan ko..... Sa ganitong sitwasyon, isa ako sa talo....

Ngunit kung isa sa inyo'y mawala
'Di makakaya ang hirap na madarama
Kahit alam ko na darating din ang araw
Na pipili ako kung siya na nga o kung ikaw


Hindi ba talaga pwedeng silang dalawa? Mahal ko naman sila parehas at mahal din naman nila ako.... Para wala nalang masasaktan, walang iiwanan at walang mang-iiwan..... 

Minsan lang sa buhay natin ang makatagpo tayo ng taong magmamahal satin ng lubos at ng walang pag-aalinlangan. Pag-ibig na masasabi kong talagang maligaya ako. Yun nga lang, ang puso koĆ½ pag-aari na ng iba. Sobrang nasasaktan ako na may isa akong iiwanan sa kanila. Sana talaga, dalawa ang puso ko para di ko na kelangang mamili sa kanila.....