Friday, December 31, 2010

2010

Sobrang busy sakin ang nagdaaang linggo. Pasko gusto kong sumulat di ko alam kung ano ang isusulat ko at talagang wala akong oras. Ngayon New Year na, kelangan me post ako bago maghiwalay ang taon. Kahit ba sobrang stress ako nitong nakalipas na linggo, kelangan magsulat ako, hahaha! 

Sa sobrang daming nangyari sakin, hiundi ko na matandaan ang iba. Pero syempre ang daming blessings na dapat ipagpasalamat. Pero pinaka-thankful ako sa:
  • lahat ng blessings ni God sa akin, sa pamilya ko, sa lahat ng mahal ko sa buhay at sa mga kaibigan at kaaway ko;
  • masayang pamilya na kahit minsan ay may mga away na hindi maiiwasan;
  • maayos na kalagayan at kalusugan ng aking kapamilya lalong-lalo na ng pinakamamahal kong lola;
  • pumanaw na mahal sa buhay at mga kakilala na simbolo lamang na mahal sila ng Diyos para tapusin na ang paghihirap nila sa ano mang pinagdadaanan nila lalo na sa sakit/karamdaman;
  • trabaho na sobrang hirap nga pero madami akong natutunan at nakakasalamuha na sumusubok sa haba ng pasensya ko at pinagkukunan ko ng anda/kwarta/salapi;
  • mga kaibigan na nawala/umalis/lumayo at nag-iwan ng bakas sa aking buhay;
  • mga bagong kaibigan at kakilala na nagdadagdag ng ligaya sa aking araw;
  • mga tunay na kaibigan na hindi ako iniwanan at tinalikuran sa mga panahong kailangan ko sila;
  • mga on-line friends ko at isang lesbian site na madami din naman akong nakilala at naging kaibigan;
  • relasyon na tumagal ng isang taon at anim (o pito?) na buwan;
  • isang masayang bakasyon kasama ang aking pamilya, kaibigan at ex-gelpren;
  • mga bagong damit na nabili ko kapag sale sa mall;
  • masusutansyang pagkain na nagpapadagdag ng aking timbang;
  • ang blog, twitter at tumblr account ko nagiging hingahan ko ng sama ng loob;
  • syempre yung bertdey ko kahit na nadagdagan nanaman ang edad ko;
At syempre pa.... 
  • ang aking bagong relasyon kay GEE... kinikilig ako sa tuwing kausap ko ang babaeng ito na nagpabago sa ikot ng aking mundo, nagbigay ng kasiyahan sa bawat minuto ng aking buhay (kahit na madalas ang tampuhan), nagsisilbing ilaw kapag naguguluhan ako, kausap ko sa kahit sa pinaka-walang kwentang bagay na mapag-uusapan namin pero super enjoy naman, babaeng pumupuyat sakin sa gabi pero inspired pa din akong gumising sa umaga at pumasok sa trabaho at sa mga dahilan na talaga namang nagpapakilig sa pagkababae ko, hahaha! GEE, mahal na mahal kita at alam kong mahal na mahal mo din ako. Sana maantay mo aking pag-uwi at alam mong wala akong ibang hangad kundi ang makasama ka hanggang sa ating pagtanda dahil magchi-chikahan pa din tayo ng non-stop kahit uugod-ugod na tayo.
Itaboy ang masasamang pangyayari sa taong 2010 at tuluyan ng burahin sa ating isipan. Hindi importante ang nakalipas. Mag-focus tayong lahat sa ngayon at sa hinaharap kaya i-welcome natin ang 2011 ng may ngiti sa ating mga labi, galak sa ating puso at positibong pananaw para sa ating buhay.

Masaganang Bagong Taon sa lahat!


Tuesday, December 14, 2010

Tingala

Kanina habang nasa CR ako, napatingala ako. Naisip ko na palagi ko palang ginagawa ang pagtingala sa tuwing me problema ako. Hindi ko alam kung anong meron sa kisame o sa langit at bakit tumitingala ako. Habang ginagawa ko ang post na'to, napapatingala pa din ako, hahaha! Madalas kapag nag-iisip ako, mas gusto kong tumingin sa kawalan, baka sakaling lumabas ang sagot sa milyon-milyong katanungan na pumuputakti sa aking isipan.

Isa palang dahilan ng pagtingala ko ay ang pagpipigil sa mga luhang nagbabantang tumulo sa aking mga mata. Gaya ngayon, masama ang loob ko sa mga bagay-bagay, magulo ang isip ko. Gusto kong umiyak at ilabas lahat ng sama ng loob na nasa puso ko. Me mga bagay na gusto ko ng linawin, baka umaasa akong sa pagtitig sa kawalan ay makaapuhap ako ng kasagutan. Kung ang pagtitig sa langit ang magbibigay ng liwanag sa lambong na namamahay sa aking puso't isipan, siguro titingala nalang ako hanggang sa mapawi ang pangambang namamahay sa aking pagkatao. 

Gaya ngayon, kaakibat ng aking mga buntong-hininga ay ang pagtingala ko nanaman. Ano bang meron sa taas? Liwanag? Kasagutan? Pag-ibig? Pera? Babae? Haizzzt..... Mabigat ang loob ko, masakit ang ulo ko, naguguluhan ako, natatakot ako. Mga bagay na nagpapabagabag sa aking damdamin. Siguro magkakaron nako ng stiff-neck kakatingala ngunit di ko maapuhap ang sagot sa mga tanong ko. Ang gulo-gulo ng isip ko, parang etong blog nato. Hindi ko alam kung ano gusto ko ipahiwatig, basta dere-derecho lang ako sa pagtipa sa keyboard ng laptop ko. Hindi ko alam kung ano ang gusto kong tumbukin, ang gusto kong sabihin. Basta gusto kong sumulat at ilabas ang nasa loob ko. Hindi ko din alam ano ang gusto ko iparating sa mga makakabasa nito. Haizzzttt... Ang hirap.

Isa sa mga rason kung bat ako nagkakaganito ay problema sa pag-ibig. Sana sa bawat pagbuntung-hininga ko, nababawasan ang kaba at takot sa dibdib ko. Sana sa bawat pagtitig ko sa kawalan, unti-unting nababanaag ko ang kasagutan sa mga katanungan sa isip ko. At sana sa bawat pagpipigil ko sa aking mga luha ay nagiging mas matatag akong harapin ang sakit na dulot ng mapaglarong pag-ibig. At sana, sana, sana at marami pang sana...

Monday, December 6, 2010

How to End a Romance (by Coulson Duerksen)

Ending a relationship can be difficult. There's no easy way to tell someone you need to move on. And sneaking out in the middle of the night, suitcase in hand, usually only works in the movies. Is there such a thing as a good breakup? Not really, but some experts believe there's a right way to go about it. 

Eight Rules for Breaking Up Just as there are ways to ensure your relationship works, there are several ways to make sure your breakup goes smoothly. Here are eight steps you can take to end a relationship smoothly so both of you recover and move on.

1. Take full responsibility. Whatever your reason for breaking up, don't blame your partner. Remember, it's your needs and desires that aren't being met. That's your problem. Also, remember that it's not
possible for your partner to feel fulfilled if your needs in the relationship aren't being met.

2. Thank the person. Be gracious. Part ways respectfully. Try to clear up unresolved issues, but don't prolong the conversation. If the person is angry, don't argue with him or her. It's better not to communicate.

3. Be very clear. Be considerate of the person's feelings, but don't back down. It's easy to be misunderstood when you're trying to be compassionate. You need to clearly state that you're breaking up. You may want to say something like: "Don't mistake this conversation. I am moving on." And don't promise to stay in touch, remain friends, or offer to see each other "down the road." This leads to false hopes. If you  would like to remain friends with the person, give him or her and yourself enough space to grieve. You need to be apart for a while.

4. Keep your friends out of it. Don't tell friends, family or co-workers before you break up. After you break up, say as little as possible about the details. While it may be important to confide in friends and gain support, remember that this is a private issue between you and your partner.

5. Don't put off your breakup until the right time. Break up when you make the decision. Waiting makes it more difficult for both of you. If  you're afraid of how your partner will react, break up in a public
place. Arrange to have your partner meet you to discuss your relationship. Don't arrive or leave together.

6. Don't break up on a special day. Breaking up with a lover on his birthday, your anniversary, Valentine's Day or any other significant day is cruel. You'll needlessly ruin that day for your ex for long time, maybe forever.

7. Don't break up in stages. If you're in an exclusive relationship, don't try distancing yourself by suggesting that you should see other people, or by not answering the phone. This will cause both of you more pain. Think of it this way: It hurts less when you rip the Band-Aid off rather than pull it off slowly.

8. Be tactful about getting personal items back. Remove personal items from your lover's place before you break up. It's more difficult to retrieve them after a breakup. If your lover has personal items at your place, pack them up and have them ready to hand to him or her, or offer to send them.

*** one of the so-called break-up email of my ex-girlfriend...***



Saturday, November 27, 2010

Queen of my Heart


Bago ang post na ito, lumaban ako ng sugal na ikinatalo ko. Kaligayahan at kinabukasan ko ang itinaya ko dun. Wala nakong magawa noong mga oras na yun. Kumbaga sa giyera, duguan nako binabanatan pa din ako. TSK!

Pero syempre, nagpahinga lang ako. Nag-isip ng makabagong istratehiya na maari kong gamitin sa muli kong pagbawi sa dangal (naks!), pagkatao, kaligayahan at kinabukasan ko. Isama na din natin ang "sex life"ko, hehehe.

Duguan man ako sa nakaraang laban, eto ako ngayon at bumabangon. Pilit inilalalaban ang paniniwala, prinsipyo at pagmamahal na nakataya sa mapaglarong sugal ng pag-ibig. Walang nakasisiguro kung hanggang san ang itatagal namin, basta ang mahalaga, parehas naming inilalaban ang paniniwala namin na ang tanging baon namin ay lakas ng loob, paniniwala sa aming sarili at pagmamahal sa aming puso.

Inilahad nya ang baraha nya, kinabahan ako. Maganda kasi ang simula ng laban nya, umaayon sa kanya ang pagkakataon. Sinabi ko sa sarili ko, "ok lang yan, unang game palang naman". Ilang game ang lumipas, minsan pabor sa kanya at minsan pabor naman sakin. Nararamdaman ko nanaman na aalatin ako sa larong ito. Naguguluhan nanaman ako sa sitwasyon ko, laban nanaman ba o bawi. Inisip ko, kaya ko bang tanggapin? Kaya ko bang harapin? Kaya ko bang paninidigan? Bahala na si batman, yan ang sabi ko.

Last game na. Medyo maganda ang pinta ko sa aking baraha, napangiti ako. Hindi ko inaasahan to, pero kelangan kong pakalmahin ang mga kamay ko upang wag mawala ang swerteng nasa palad ko. Itinikom ko ang aking mga palad, baka sakaling makatulong ito upang wag makawala ang swerte, ayaw kong mahipan ito ng masamang hangin.

Bigla kang sumigaw, "Tama na! Suko nako!".  Natulala ako. Tama ba ang narinig ko? Sumusuko ka?

Ang saya ko! Hindi matatapatan ang kasiyahan na nararamdaman ko. Ang pagsuko mo ang simbulo ng tagumpay ko. Tagumpay sa larangan ng pag-ibig. Isinuko mo ang pride mo upang huwag masira ang laban ko. Isang sakripisyo na nakaka-bilib talaga.  Alam kong ang sakripisyo mo ay may kaakibat na pagmamahal. Panghahawakan ko yun.

Sa larangan n pag-ibig na minsan kong itinaya ang kaligayahan ko, nanalo ako. Alam kong hindi pa ito ang tunay na kahulugan ng kaligayahan at tagumpay. Ngunit, noong panahon na sumuko ka upang balikan ako, alam kong simula pa lamang iyon. Simula pa lamang at alam kong madami pa tayong pagdadaanan. At kung kaligayan ko at ikaw ang nakataya, susugal akong muli at lalaban. Kesa mawala ka sa akin at mawalan ng saysay ang aking inilalaban at ating pagmamahalan.

GEE, ikaw ang nag-iisang "Reyna ng Puso ko".





Saturday, November 20, 2010

Un-Lucky 9


Kahit na minsan hindi ko naging bisyo ang pagsusugal. Marunong ako ng lucky 9, pusoy dos, pares-pares, pekwa, unggoy-ungguyan at madami pa. Pero kapag me pera ng kasali, ayaw ko. Kasi, naniniwala akong walang yumayaman sa sugal. Sampol nalang yung Tito ko, nasayang lahat ng pinaghirapan nya ng ilang taon sa Saudi dahil lahat ng naipundar nya nawala dahil sa karera ng kabayo.

Isang sugal lang ang talagang nilalakasan ko ang loob ko, sugal ng pag-ibig. Ilang beses na ba akong sumugal? Ilang beses naba akong nanalo at ilang beses naba akong natalo? Minsan nananalo naman ako pero sa bandang huli, talo pa din ako. Kahit anong pagmamagaling ang gawin ko o teknik ang gamitin ko, wala talaga. Malas bako sa sugal o malas sa pag-ibig?

Kamakailan lang sumugal ako. Wala akong ideya kung anong klaseng sugal ang pinasok ko.Hindi ko alam kung mananalo ako o matatalo ako.

Unang baraha na hawak ko, pakiramdam ko talo ako. Pinag-isipan kong mabuti kung lalaban pa bako o hindi na. Sabi ko wag nalang, tutal talo naman ako. Hindi nako naglakas loob pa na ilaban yun, kasi nga unang baraha palang, kitang-kitang talo ako.

Nag-reset ako ng game. Iba na kalaban ko sa sugal, bago, mukhang matinik. Nagsimula na kaming maglatagan ng baraha. Yung hawak kong baraha ngayon, maganda unang pinta ko. Sabi ko sa sarili ko, wow! ang swerte ko ata ngayon. Bwenas! Sunod-sunod ang magagandang pinta ko. Me mga oras na minsan natatalo ako sa game nato, pero mas madalas ang panalo ko. Ang saya-saya ko, kasi pakiramdam ko umaayon sakin ang pagkakataon. Sabi ko pa, ok lang na natalo ako sa last game na sinalihan ko. Ngayon ok naman, kasi mukhang mananalo ako.

Mukha lang pala. Akala ko lang pala. Maling akala pala at masyado akong napalagay na mananalo ako. Huling ikot na ng baraha, medyo inaalat ako. Umaayaw na din yung kalaban ko. Kaya sa huling laro namin, sobrang kabado ako. Nasa bingit ng alanganin ang mga hawak kong baraha. Pwede kong ilaban kahit na mababa lang sya pero pwede ko ding hiritan baka sakaling tumaas pa sya. Pansamantala nalito ako, hindi ko alam kung laban o bawi ba. Sugal nga eh, humirit ako. Sabi ko "Isa pa!" Pagbigay ng huling baraha, hindi ko agad binuksan. Pinintahan ko. Kinabahan ako, kapiranggot palang ang ang nakikita ko pero alam kong mas lumakas ang kaba ng dibdib ko. Dahil pagbukas ko ng baraha....

Butata!

Talo!



Friday, November 19, 2010

i love the way you lie (rihanna ft.eminem) part2



dearest gee,

Just gonna stand there and watch me burn,
But that’s alright because I like the way it hurts.
Just gonna stand there and hear me cry,
But that’s alright because I love the way you lie, I love the way you lie.
I love the way you lie.
So maybe I’m a masochist
I try to run but I don’t wanna ever leave.
Til the walls are goin’ up in smoke with all our memories.


always,
mee



Thursday, November 18, 2010

Perfect Love Triangle

Kapag ang buhay pag-ibig ay kinasasangkutan ng tatlong tao, "Love Triangle" ang tawag. Pwedeng mahal ni A si B at si B naman ay mahal si C at tapos si C naman ay mahal si A, yan ang pinaka simpleng halimbawa ng love triangle. Love triangle, unang papasok sa isip mo, magulo me agawan na nangyayari, me pinag-aagawan at me mang-aagaw. Hahaha!

Eto ang istorya ng aking Perfect Love Triangle. Nung minsan kasi ka-chat ko yung isa sa mga exessss (with S talaga, hihihi!), napag-usapan namin ang nakaraan. Ako si A at yung ex ko si B. Naging GF ko si B college pako. Ok naman ang relasyon namin, kung hindi lang nanghimasok ang pamilya nya. Wala akong choice nun kundi ang makipag-hiwalay. Kasi, pinagmamalupitan na sya ng mga magulang nya dahil nga masama daw ang ginagawa namin. Pinagbubuhatan na sya ng kamay pati ata paa ginamit na din sa kanya, tsk! Dala ng kabataan at di pa namin kayang tumayo sa sarili naming mga paa at ipaglaban ang mga nararamdaman namin, naghiwalay kami. 
Eto na si C, bestfriend ni B. Tinawagan ako na me masamang nangyari ke B. Syempre, natakot ako kinabahan na baka matigokshi ang B, kaya sobrang nakonsensya ako. Sabi ko pa ata nun sa sarili ko, hindi nako magmamahal ng babae. Pero syempre, echos ko lang yun, kasi nga sobrang natakot ako nung panahon na yun. Naging constant ang communication namin ni C kasi sa kanya ako nakuha ng updates tungkol kay B. Ayun, ok naman at nakaligtas si B. Pero ako ang di nakaligtas sa pagkakahulog ng loob ko kay C. Kasi ba naman, araw-araw kami magkausap, minsan nagkikita pa kami tapos katext ko pa sya ng madalas. In-short, nagka-debelopan na kami. Hehehe. Pero syempre, lingid lahat yun sa kaalaman ni B. Oh di ba, ang haba talaga ng hair ko, hehehe!

Syempre walang sikret na di nabubunyag. Nalaman ni B na gelpren ko si C, syempre nasaktan sya at siguro nagalit pa sya samin ni C. Pero ganun talaga, nagmamahal lang naman tayo kaya patuloy na nagkakamali. Hindi nagtagal naghiwalay din kami ni C. Wag na nating sariwain pa ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni C, hehehe! Basta nawalan nako ng komunikasyon sa kanilang dalawa o hindi ko na matandaan kung anong nangyari pagkatapos ng mga nangyaring ganun. Kasi nga ang tagal na din nun, 8 o 9 taon na ata ang nakalipas.

Ang natatandaan ko na lang, nagkita-kita kami nila C kasama ang iba pa naming mga kabarakada nung college kami. Tapos nagulat ako, kasi gelpren na ni B si C, hahaha! Ang galing di ba? Para lang kaming triangulo talaga. Hindi ko alam pano nangyari yun, basta ang galing talaga! Tapos naghiwalay na din ata sila, hindi ko alam kung bakit.

Kaya ko natawag na PerfectLove Triangle to? Kais magka-kaibigan pa din kaming 3 kahit na ganon ang pinagdaanan namin. Kapag nagbabakasyon ako sa Pilipinas, nagkikita pa din kami kung may oras at pagkakataon lang din. Nung unang bakasyon ko, tandang-tanda ko pa na ang saya pa namin 3. Ilang beses pa kaming nagkita, kumain sa labas, nag-inuman, nagkwentuhan, tumambay...  Parang nung mga college pa kami, simpleng buhay lang masaya na. Maliban nalang nitong huling bakasyon ko, meron na kasing pagbabagong naganap gawa ng mga elementong ewan ko ba kung san nagmula.

Nakakatuwang balikan ang nakalipas. Eto ang kwento ng buhay ko na hinding-hindi ko kakalimutan at kung bibigyan ako ng pagkakataon sa susunod na buhay ko, gusto ko kasama pa din silang dalawa sa pangunahing karakter ng aking istorya. Sila kasi yung tipo ng tao na pwede mong kausapin sa kahit anong bagay, seryoso o kalokohan man.

Pero, pano nangyari na love triangle to eh wala naman agawan na nangyari? Hahaha, ewan ko din. Basta gusto ko lang yung title na yun. Pati blog ko naman to eh, hmp! Yung agawan episodes, behind the scenes nalang siguro, hehehe!

Wednesday, November 10, 2010

Ang OFW at ang Kalabaw

Itinuturing na Pambansang Hayop ng Pilipina ang Kalabaw (Bubalus bubalis),  ang matalik na kaibigan ng magsasaka at ang masasabing pinakamahalagang hayop sa mga palayan. Ito ay ginagamit sa pagdadala ng mga produkto patungo sa pamilihang-bayan at isa ring magandang pinagkukunan ng gatas at karne

Bigla kong naisip na sa ilang taon kong nasa ibang bansa, maihahalintulad pala ako sa Kalabaw. Hindi sa kulay, anyo o amoy kundi sa paraan ng aking pakikipagsapalaran sa ibang bayan. Hindi ka pwedeng mamili ng trabaho lalo't baguhan ka. Ang unang titignan at bibigyan mo ng konsiderasyon ay ang sahod. Kadalasan kahit malayo sa ating pinag-aralan at tinapos ang trabaho, ok lang basta kumikita ng higit na malaki kumpara sa pasahod sa Pilipinas. Yung iba namang walang natapos o walang mataas na pinag-aralan, masaya na sa kakarampot na kita nila basta ang importante matulungan, maingat at mairaos ang iniwang pamilya. 

Ang Kalabaw, kahit pagod na pagod na, hindi nagrereklamo. Kahit gaano kalawak na lupain ang ipasaka mo sa kanya, ok lang. Kahit gaano kabigat ang mga ipapasan mo sa kanya, patuloy pa din ang paglakad. Kahit ilang tao pa ang isakay mo sa kanya, pipilitin nyan maihatid ito sa kanilang paroroonan. Kahit na katirikan ng sikat ng araw, patuloy pa din sya sa pag-gawa.

Ang OFW, kahit pagod na pagod na, hindi nagrereklamo. Kahit gaano kalayo ang distansya sa mga mahal sa buhay, ok lang ang importante masuportahan ang pamilya. Kahit gaano kahirap ang uri ng trabahong pinasok, sige lang ng sige basta para sa mga anak, asawa, kapatid, magulang at kapamilya. Kahit gaano kalamig o kainit ang klima sa kinaroroonan, pinagtitiisan pa din may maipadala lang sa mga mahal sa buhay. At kahit na halos wala ng makain sa sobrang pagtitipid, ok lang basta ang pamilya sa Pilipinas ay kumakain ng tatlong beses sa isang araw, me meryenda pa.

Yan minsan ang hindi nakikita ng mga pamilya ng OFW. Akala nila, lahat ng nasa abroad at kumikita ng dolyares, pounds, yen, euro, dinars, schillings, dirham o kahit ano pang currency ang sinasahod ng kapamilyang nasa abroad, eh dinadampot lang sa kalsada ang pera. Hindi nila nakikita ang lahat nag pasakit, ang hirap, pangungulila at pagtitiis na kailangan naming lagpasan mairaos lang kahit papano ang buhay namin. Konting ikot nila, pera. Konting galaw, pera. Kailangan paghumingi sila, meron kang mapapadala kasi pag wala, sasabihin nila madamot ka o kaya naman mayabang na porket nakapag-abroad o kaya naman walang utang na loob at di marunong tumanaw ng utang na loob.

Iba't-ibang papuri at panlilibak ang inaani ng mga OFW. Ngunit ano nga ba ang sukli ng mga yan? Ano nga ba ang nahihita naming mga OFW kapalit ng pagpapasakit namin para sa pamilya namin? Miminsang text na sa umpisa ay kamustahan, sabay babanatan ka ng kwentong si ganito may sakit, si ganyan walang pambiling ganito, si ano di makakapag-aral walang pang-enroll, walang pambiling gamit sa skul, walang mainom na gamot, gatas, pagkain at kulang nalang kung nabibili ang hininga ay hihingin kamag-anak na nasa abroad. Na kapag di mo nabigyan, ikaw ang masama, madamot, walang utang na loob, walang konsiderasyon, matigas ang puso at kung ano-ano pang salita na naiisipan nilang ibato kapag di mo napagbigyan.

Sana man lang, konting respeto at pang-unawa sa mga OFW. Kasi hindi lahat ng nasa ibang bansa, maayos at masagana ang buhay. Nakakangiti kami ng maayos at masaya sa mga larawan na pinapadala namin sa pamilya namin, ina-upload sa facebook, friendster, twitter, photo bucket at kung san pang social networking na tangi naming libangan. Na sa likod na masasaya naming mga ngiti ay ang mga ikinukubling luha upang malagpasan namin ang pakikibaka sa ibang bansa.

Minsan naiinggit ako sa mga taong di na kailangan pang lumayo o mangibang bansa para lamang mabuhay. TSK!TSK!TSK|!

Tuesday, November 9, 2010

My Lesbian/Gay Alphabet

PG 18:  Para lamang sa mga bakla o tomboy na nasa tamang edad.  

While I was walking this morning, another idea popped into my mind. I know this will not be as easy as an ordinary ABC we learned from school. Let me share my own version of ABC, but this time with a touch of lesbianism...:)

Yung iba, imbento ko lang, yung iba naman contributor si Mr. Google at karamaihan naman ay kalokohan ko lamang na naisip para mas masaya ang pagbabasa. Hehehe!

A - Andro - Eto daw yung mga tibong nagsusuot ng mga damit pambabae pero sing tigas ng lalaki kung kumilos (feeling gwapo pero long hair naman!) o nagsusuot ng damit pang-lalake pero kung umasta tinalo pa ang straight na babae sa kaartehan.

B- Butch - Pwedeng Hard Butch o kaya naman Soft Butch. Sa angkan ng mga butches, madami sa kanila ang di nakakatikim ng langit dahil karamihan sa kanila ay "one way" o yung ayaw pa-jerjer sa mga pakner nila.

C - Clit - Parang Growers Peanut na me iba't-ibang klase, iba't-ibang anyo at iba't-ibang laki. Merong basa, tuyo, spicy, maalat o matamis. Pwedeng kainin at pwede din namang titigan nalang. (korni!)

D - Dildo - Hugis etits o kasarian ng lalake na gawa sa goma. Iba naman to, makulay at meron ibang-ibang laki at taba. Eto ang ginagamit ng mga babae na pinaliligaya ang sarili nila habang kinakanta ang "All By Myself" (official theme song!) tapos nagba-vibrate, pwedeng de-kuryente o kaya naman de-baterya.

E - Echosera - Eto ang latest expression ng mga kabadingan na nakikita ko sa facebook na ginagamit na din ng mga kaibigan kong jomboy. Na parang sinasabing jowker ka or palabiro ka talaga.

F - Finger Pak - Eto yung pagpasok ng daliri sa kung saan mang butas, hehehe! Pwedeng nangungulangot ka lang o kaya naman yung loob ng tenga mo, dinadaliri mo pag makati. Dito ko din nagagamit ang line ni Jollibee na "Isa pa! Isa pa!"

G - Gaydar - Eto ang kapangyarihan na mga bakla at tomboy. Naamoy nila kung berde ang dugo mo, kasapi ka sa pederasyon. Tanging batikang bakla at tomboy lang ang me ganito kapangyarihan na ubod ng lakas.

H - Harness - Eto yung humahawak sa dildo na ibine-belt sa bewang. Na kapag suot mo kasama ang dildo, para kana ding si Machete at nagmamayabang ang iyong pagka-lalake. Sinusout naman ito ng mga Tivoli upang mas mapaligaya nila ang kanilang pakner at umaakto silang mga lalake na pinagkalooban ng pagka-lalake.

I - Iyot - Salitang nagmula sa mga Cebuano na ang ibig sabihin ay pakikipagtalik. Gamitin natin sa pangungusap... "Kada uli, iyot, kada uli iyot." o kaya naman "Iyotin mo ako!" At lahat ata ng tao gusto ng iyot. Iyot dito, iyot don, iyot kahit saan.

J - Jam - Noong 20th century, ginagamit ang salitang to na ang ibig sabihin ay "straight person" o yung tinatawag natin na babaeng-babae at lalakeng-lalake sa puso't sa diwa. Pero ang pagkaka-intindi ko sa "jam" ay palaman sa tinapay at masarap lalo na sa "monay". So, kung kakain ka ng monay mas mainam na lagyan ng jam para lalo kang mag-enjoy.

K - Kepyas - Ito ay pang-ibabang labi at hindi makikitang parte ng mukha. Bagkus, sa mga tibo, dito mo makikitang madalas na naka-subsob ang kanilang mukha kapag nakikipagniig sa kapwa nila babae. Kaya ko tinawag na labi, kasing hugis nya ang labi (o lips) na parang dumidila at madalas basa sa laway.

L - Lick/Lollipop - Lick ang paborito ng mga tibo at lollipop naman ang paborito ng mga bakla. Ang common sa kanila: Parehas kailangan gamitan ng dila. Lick ka kapag didila ka sa kung saan man parte ng katawan samantalang lollipop naman kapag me ipinasok ka sa bibig mo tapos paglalaruan mo kung ano man ang isinubo mo sa loob ng bibig gamit ang iyong dila.

M - Mitten Queen - Eto yung mga baklita na ang hilig eh paglaruan sa kanilang mga palad ang pag-aari ng iba. Mas nasasarapan at naliligayanahan sila kapag ibang pag-aari ang minamaryang-palad nila kesa sa sarili nilang kasarian.

N - Nanny, oh nanny - Eto yung ang ginagawa mo ay parang gawain ng isang sanggol. Pinipilit mong pigain ang boobies ng pakner mo pamamagitan ng pagsipsip. Na minsan naman ay ginagawa mo para makatulog ka ng mahimbing kagaya ng isang batang mistulang inosente ang itsura ngunit puro kalibugan ang nasa isip.

O - Outie - Eto ang ka-opposite ng "Innie", na ang ibig sabihin ay ang pang-ibabang labi mo ay parang si Dennis Rodman sa kapal tapos busalsal pa. Kung di mo naman kilala si Rodman, si Diego nalang ng Bubble Gang. Sa ibang lesbians siguro, mas gugustuhin nila ang labing mala-Diego o mala-Rodman para sakop lahat kapag hinalikan sila lalo na sa pang-ibabang labi.

P - Pakang-kang - Eto yung mga babaeng mahilig sa pakikipagtalik. Nakikipagtalik kahit kanino at kahit saan. Me bayad o libre, keri lang. Kaya ang mga pe_-p_k nila ay sobrang gasgas na at laspag na, tsk!tsk!tsk! Isa ba silang sex maniac?

Q - Querida - Ang hirap naman ng letter na to. Spanish word to na ang ibig sabihin ay "beloved" o "darling". Yun naman pala ang kahulugan. Pero bakit kapag tagalog na ang speling ay masama na ang kahulugan? "Kerida" na ang ibig sabihin ay mang-aagaw ng me jowa ng me jowa, kaladkarin, kabit, kumakabit at pala-kabit, pumapatol sa me asawa. Pwede ring "Queso" na matatagpuan sa gitna ng monay.

R - Royal Rambol - Eto yung pakikipaghabulan, pakikipaglaro, pakikipaglandian mo sa pakner mo sa loob ng kwarto na ang tanging piping saksi ay ang apat na sulok ng kwarto. Sa paraang ito, inaalis nyo muna ang tensyon sa pagitan nyo hanggang sa magkakuhaan kayo ng loob.Kapag nawala na ang hiya nyo sa isa't-isa, mas nagiging malibog kayo kasi nagkakaron ng challenge ang bawat eksena. Advisable to sa mga perstaymer o yung mga gustong jumerjer sa unang pagkikita pa lamang.

S - Sisid - Tama ang naiisip nyo. Eto yung para kang nasa ilalim ng dagat na naghahanap ng perlas. Pero sa aking mga ka-pederasyon, ang sisid ay kakaiba dahil wala naman tubig ang sinisisiran namin. Nagbabasa lang sya kapag pinanay-panay mo ang sisid pero hindi naman yung tipo na malulunod ka. Pero paminsan-minsan ay kailangan mo pa ding umahon upang sumagap ng hangin, tapos balik sisid ulit. Kapag ang lesbian sumisid, hindi perlas ang hanap nya kundi growers peanut.

T - Turtleneck - Ang tawag sa mga lalake o baklang hindi na-circumcised. Hindi ko din maubos maisip kung paanong naging turtleneck ang tawag sa kanila.Dahil ba ang kanilang pag-aari ay me balot pa mula ulo hanggang sa makalagpas ulo o dahil ba kasing laki lamang ito ng leeg ng turtle? Eh pano pag pawikan? Di ang laki-laki non?

U - Upat - Kapag tinanong ka ng pakner mo, "ilan ba ang ipapasok ko? isa ba? dalawa? o tatlo?". Ang isasagot mo naman ay "Upat, isama mo ang hinliliit." Hahaha! Walang kwenta to, kasi wala nakong maisip talaga sa letrang to. Ang alam ko, ang upat ay salitang bisaya na ang ibig sabihin ay "apat". Me sense ba? hehehe!

V - Voltes 5 - Eto yung ang itsura ng mga binti mo ay nakataas ng derecho at mejo naka-buka na parang letter V. Nangyayari ang Voltes 5 kapag kapag ikaw ay nasa gitna ng kasarapan at hindi mo mapigilang maiunat ang mga binti mo na sensyales ng pagdidiliryo. At kung ano man ang nagaganap sa pagitan ng mga hitang iyon, alam na natin yun.

W - Water Sports - Medyo kadirdir ang kahulugan nito. Kapag ganito ang ginawa sayo ng pakner mo, sampalin mo ng umaatikabo at pagkalutong-lutong. Kasi naman, naliligayahan o lubos na ikinasisiya ng kanyang makamundong pag-iisip ang pag-ihi sa kanyang pakner. Kumbaga, natutugunan ang kanyang kalibugan kapag naihian nya ang pakner nya. Yuck di ba? Ewwwnnnesss...

X - Xerex - Siguro naman halos lahat tayo ay alam natin at kilala kung sino si Mr. Xerex. Eto yung me column na bastos sa taloid sa Pilipinas, kung di ako nagkakamali Abante ang tabloid na yun. Dito, makakakuha ka ng konti, katiting na ideya tungkol sa pagtatalik. Hindi ko lang alam kung ang mga istorya dito ay totoo o kathang isip lamang ng isang manyakis na hindi mailabas ang init ng katawan kaya idinaan na lamang sa pagsusulat.

Y - Yard Boy/Girl - Eto naman yung mga taong nag-e-enjoy na makipagtalik sa labas ng bahay. Pwedeng sa hardin, sa tapat ng gate, sa garahe o kahit saang parte ng bahay wag lamang sa loob. Hindi ko sukat akalain o di ko maisip na me mga taong ganito. Me kilala kaba?

Z - Zinger - Eto naman ay tumutukoy sa pakiramdam ng isang tao kung saan super horny sya. Kaya kapag sinabi ng pakner mo na "Zinger ako", hindi ibig sabihin nyan ay i-order mo sya sa KFC ng Zinger. Bagkus, ang gusto nyang sabihin ay libog na libog na sya dinaig pa nya ang temperatura ng taong nagdidiliryo sa taas ng lagnat sa sobrang init ng kanyang pakiramdam. Hindi malamig na tubig o pagngatngat ng yelo ang sulosyon dito kundi SEX.

Yun!


Sunday, November 7, 2010

XTET


Sinubukan kong isangguni ke kaibigang Mr. Google ang ibig sabihin (o kung meron man) ng salitang XTET, pero wala syang maibigay sa akin. Ang suhestyon nya XTET Games. Kaya yun ang tinignan ko. Hahaha! Ang lumabas: "An unusual Tetris clone that was actually a mini-game in GAG, 1996, Windows 9x." At eto ang nakatawag ng pansin ko... "Tags Erotic Tetris" Hihihi...

Tama naman yung tag na yun. Kasi ang XTET isang computer game na parang naglalaro ka lang ng tetris. Pero sa XTET, tao ang pagpapartnerin mo. At hindi lang basta tao, kundi mga hubad na lalake at babae na pagtatapatin mo upang makabuo ng isang posisyon sa pakikipagtalik. Sextris o Sex Tetris din ang ibang tawag dito.

At naisip ko na ang may likha ng game na to ay maaring babae o lalake at hindi kagaya ko na tivoli or kagaya ni Bibi Gandanghari (aka Rustom Padilla) na binabae or badingski. Kasi kung ako ang gagawa ng ganyang libangan, puro babae ang pagpapartnerin ko.

Nakakatawa nga na habang nilalaro ko to, pinipilit kong pagpartnerin yung dalawang babae. Hndi ba obyus na talagang tivoli ako? Kaya lang ayaw naman at talagang hindi ata pwede kasi nagpapatong-patong lang sya (parang orgy) at made-dead lang ang game ko pag pinilit ko syang pagpartnerin. Ilang ulit ko ding sinubukan at lahat ng posisyon na alam ko (alam daw, hahaha!), pero ayaw talaga. Sinubukan ko din ang parehas lalake, baka sakaling umubra kasi nga mas tanggap ang gay relationships kesa sa lesbian relationships, pero ayaw pa din, hahaha! Pati ba naman sa games me discrimination? Hehehe..

Ang nakakatuwa pa sa larong ito, kapag meron ka ng nabuo na partner, meron syang sound ng babae o lalake na animoy nasasarapan o kaya naman me biglang sisigaw na akala mo eh totoong nakarating sa langit at sukdulan. Parang habang naglalaro ka, merong nagje-jerjer sa tabi mo tapos naririnig mo ang mga ungol at halinghing nila.  Idagdag pa yung nakaka-tense na background music, kasi habang natagal ka sa game nataas ang level mo tapos nabilis din yung background music na pag naririnig ko kinakabahan ako, hehehe!

Kung gusto nyo mag-download ng game application, available to ke Mr. Google. Hanapin nyo lang sa search box  "XTET Game Free Download o kahit XTET Game" lang lalabas na yun.



Tuesday, November 2, 2010

Si Nanay at Tatay at ang All Souls Day

Araw ng mga kaluluwa ngayon at kahapon naman ay araw ng mga santo (o banal). Kung nasa Pinas ako, October 31 palang ay nagtatayo na kami ng tent at kung minsan ay merong naiiwan saming magpipinsan sa sementeryo magdamag upang bantayan ang kandilang sinindihan pati na din ang mga upuan na nakatali sa bawat paa ng tent. Uso kasi ang nakawan kahit saan at lalo na kapag abala ang mga tao sa sementeryo, naglipana din ang mga salisi gang. November 1 naman, meron ng maagang pupunta samin sa sementeryo upang dalhan ng pagkain ang nag-overnight. Tapos ang mga panauhing pan-dangal o yung mga tyahin kong sosyalera, dadating ng after lunch o kaya bandang pahapon na.

Ala-seis (o sais) ng hapon, magtitipon-tipon na kami sa harap ng puntod upang mag-alay ng dasal. Sa pagdarasal ng Santo Rosaryo, nagtuturuan pa kami kung sino ang mamumuno. Maayos naman naming naidaraos ang Araw ng mga Patay. Nagsisilbi na din itong pagtitipon o pagkikita-kita ng mga iba naming kamag-anakan na bumubisita sa mga kamag-anak naming yumao na at kasama na ng Poong Maykapal.

Ang di ko lang maisip, bakit kailangan pang ipagdiwang ang araw na to? Bata palang ako, tanong na yan sa aking isipan. Ngayong pwede nako gumawa ng bata, wala pa ding kasagutan. Dagdag bato sa mga public holidays na kung saan mas nagbebenepisyo ay ang mga empleyado ng gobyerno? Kasi nga naman, mahaba-habang araw na walang pasok at pwedeng pumetiks. Na kung tutuusin naman eh petiks naman talaga ang mga opisyales ng gobyerno kahit di naman holiday.

Sayang, namiss ko ang mga bata kong pinsan at pamangkin na naghahabulan sa sementeryo, sama-samang pagkain namin habang si lola ay masayang nagmamasid sa kanyang mga apo, ang pagbuo namin ng mga kandila na nakakairita na kasi kalat lang naman pag-uwi namin sa bahay, ang pag-babaklas namin ng tent kapag uwian na, ang pag-aaway-away namin ng magulo ngunit masayang pamilya ko (lagi kasing me mga isyu kapag nagkikita-kita kami), ang sama-sama naming pagsakay ng jeep o bus (kapag walang marentahan na maghahatid saming lahat) at marami pang iba.

Pero ano ba ang talagang nami-miss ko pag ganitong araw?

Nami-miss ko ang nanay ko na simula pagkabata ay hindi ko nasilayan, hindi ko naramdaman o matandaan ang init ng kanyang mga bisig habang ako ay karga nya, ang paghehele nya at pagkanta ng lullaby habang pinapatulog nya ko o kahit na anong simpleng pangyayari na dapat ay kasama ang isang ina, hindi ko naranasan yun. Ni hindi ko matandaan ang itsura ni nanay maliban sa mga litrato.

Si tatay? Miss ko din sya. Kahit naba madami kaming di magandang pinag-daanan sa piling ni tatay, nami-miss ko sya. Hindi ko kasi sya napaglingkuran man lang o natulungan o kahit pa na nalasap ang unang katas ng pinaghirapan ko dito sa ibang bansa. Hindi na nya kasi ako naantay. Pero noong mga panahon na kasama ko sya sa Pinas, hindi man ako ganun ka-showy sa kanya tungkol sa aking nararamdaman, alam ko naman sa sarili ko na kahit papano naging mabuting anak ako sa kanya.

Sa nanay at tatay ko, alam nyo kung gaano ko kayo ka-miss. Hindi ko naipakita sa inyo kung gaano ako kabuting anak, hehehe! Pero sana kahit gaano ko kayo ka-miss, wag nyo kong dalawin sa bahay ha! Alam nyo naman kung gaano ako kaduwag sa mga ganyan... :)

Saturday, October 30, 2010

Match Box Car

Nung bata pako, gustong-gusto ko ng mga match box car o yung maliliit na laruan na sasakyan. Merong kotse, trak at bus. Iba't-ibang laki, modelo pati kulay. Hindi ko alam bat gusto ko nung match box car. Basta naaalala ko pa, pag magpapasko, gustong-gusto ko ibili yung mga inaanak kong lalake ng ganun tapos ireregalo ko. Minsan nga nanghihinayang pako ibigay kasi nga paborito ko din. Isa ata iyon sa mga senyales na isa akong "magic" (ibang bansag sa tibo.)

Meron akong kebigan na nagta-trabaho sa isang fast food chain. Naging free sa kiddie meal yung mga trak na iba't-ibang kulay at design. Nakakatuwa nga, kasi binigyan nya ko ng 2 sets nun. Pero nakita ng pamangkin ko kaya ibinigay ko nalang. Nag-iwan lang ako ng isang piraso para sakin, remembrance. Hanggang ngayon, andito pa din sa drawer ko, nakatabi, nakatago at iniingatan ko.

Yung tita ko me kotse, pero di naman kagandahan at kamahalan ang modelo. Piling ko nga, pinaka murang kotse un sa Pilipinas. Nung kasagsagan ng promo ng shell sa Ferrari cars, meron ung tita ko. Natutuwa ako pag naka-upo ako sa front seat. Kasi tinititigan ko ung Ferrari na naka display. Minsan hinahawakan ko, kaya lang natatakot ako baka masira ko wala akong pambayad. Basta ang palagi nya sinasabi "mahal yan, baka masira". Kaya natanim na sa isip ko na mahal nga at nakakatakot.

Gusto ko nga magkolek ng iba't-ibang design ng match box cars tapos gusto ko syang gawing design sa kwarto. Plano ko na ilagay un sapalibot ng silid, ung pinaka dingding ng kwarto yun ang naka hilera sa sahig. Iba''t-ibang kulay, laki at design.

No news, Good news

Sa tuwing me mga naiisip akong bagay na nagpapabagabag sa akin o nagpapa-windang sa isip ko, nagkakataon naman na andiyan yung kaibigan kong si Andrei. Sya ang nagsisilbing taga-pakinig ko sa tuwing me mga problema ako, naiinis ako, masaya ako at sa lahat na ata ng emosyon na nararamdaman ko, madalas sa kanya ko nasasabi. Ngayong araw nato, sobrang nag-aalala ako. At syempre andiyan nanaman si kaibigang Andrei.

Eto ang ilang bahagi ng aming usapan:

Like: last text nya 9:49 sa pinas
Like: anong oras na dun 2:20 na
Andrei: haha
Like: ni walang text
Like: anong gusto nyang isipin ko?
Andrei: tapos na check-up nun
Like: kaya nga, pero walang text, walang kusa
Andrei: isipin mo nalang na no news good news
Andrei: para di ka mahirapan masyado
Like: kasi nga di naman ako ganun eh...

Palaging sinasabi sakin ni Andrei yung "no news good news" na yan. Sabi ko nga sa kanya "i don't trust my feelings", eh totoo naman. Iba pa din kasi yung makakarinig ka ng balita galing dun sa taong involve dun sa iniisip mo. Hindi naman pwedeng isipin natin na kapag wala tayong naririnig na balita eh magandang balita nga ang hatid. Kadalasan kasi kaya hindi satin sinasabi ang mga balita, lalo na't di naman kagandahan, eh para hindi daw tayo mag-alala or maabala. Hindi nila minsan naisip na kapag hindi natin nalaman ang totoo, mas lalo tayong nag-aalala at mas lalo tayong naaabala kasi madaming bagay ang apektado. Dahil nasa malalim kang pag-iisip, hindi ka makapag-trabaho ng ayos, hindi ka makapag-isip ng tama, kung ano-anong naiisip mong nangyari, maninikip ang dibdib mo sa sama ng loob, sasakit ang ulo mo kaka-isip at kung ano-ano pang sandamakmak na pahirap at abala ang kaakibat nyan.

Kagaya nung bago palang ako dito sa bansang kinalalagyan ko. Umalis ako sa Pinas na medyo masama na ang kondisyon ni Tatay. Tinira sya ng isa sa mga pinaka-traydor na sakit, stroke. Akshuli, isa sya mga dahilan kung bakit pinili kong mangibang-bansa. Nung mga panahon na palagi akong tumatawag sa bahay para kamustahin si Tatay, pilit itinatago sakin ng mga ate ko ang totoong lagay nya. Palagi nalang nila sinasabi sakin na "ok naman si Tatay, medyo malakas na". Ganun palagi ang sagot nila sakin. Kampante naman ako na ok nga si Tatay kaya hindi ako masyadong nag-iisip. Minsang tumawag ako sa ate ko upang kamustahin ang lagay ni Tatay, sinabi nya sakin ang totoo. Na hindi naman pala talaga ok ang lahat, na mas lalo daw nanghina si Tatay nung umalis ako. Hindi lang daw nila sinabi sakin ang totoo para daw hindi ako mag-alala. Hanggang sa makalipas ang isang linggo, binawian na ng buhay si Tatay.

Ang punto ko lang, mas mainam na kahit ano pa ang balita, masama man o maganda, me karapatan tayong malaman ang lahat, ang katotohanan. Hindi ko naman sinabing mapapanatag ang kalooban at isipan mo kung malaman mong nasa ospital o namatay na ang isang tao o nag-aagaw buhay ang malapit sa puso mo. Mas mainam na ipaalam yung mga seryosong bagay sa mga taong alam mong dapat na makaalam para naman di natin sila binibigyan ng alalahanin. Mas mahirap kasi na iniisip natin na palaging ok ang lahat, na walang masamang nangyari at umaasa tayong maayos ang lahat yun naman pala'y, malala na at huli na.

Past, Present at Future

Ilang araw ng may gumugulo sa isip ko at nagpapabagabag sa damdamin ko. Hindi ako maka move-on o mas angkop na sabihing insikyur ako?

PAST - Merong bahagi ng aking kasalukuyan na hindi ko maiwasang lingunin ang nakaraan. Hindi ko alam kung anong meron sa nakaraan na sa tuwing sumasagi sa aking isipan, hindi ko maiwasang mangamba at matakot. Alam ko naman kung ano ang meron sa hinaharap, malaking kontribusyon nito ay nanggaling sa nakalipas.

*** Hindi ko maiwasang masaktan sa tuwing naiisip kong sobrang mahal mo sya sa iyong nakaraan. Nabasa ko ang mga pruweba na hanggang ngayon ay nakapaknit sa aking isipan. Sinisira nito ang aking kaisipan at hindi malayong sirain ang ating kasalukuyan at hinaharap. Kaya, sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong tanggapin ang katotohanan na "minahal mo nga sya ng todo". *sad*

PRESENT - Kasalukuyan kong nilalabanan ang aking emosyon at pinipilit kong paniwalaan ang lahat ng bagay na sinasabi mo sakin. Pangakong pinanghahawakan ko at pagmamahal na hindi ka naman nagkulang na iparamdam sakin at mga nag-uumapaw na kaligayahan sa tuwinang kausap kita.

*** Alam ko, mahal mo ko at pinipilit kong alisin sa aking kukote na hindi mo na sya mahal at wala ka ng balak na balikan pa sya, gaya nga ng sinabi mo sakin. Sa ngayon, kelangan ko lang talagang maniwala at magtiwala sayo at sa mga pangako mong ako lang ang mahal mo. At sigurado akong mas magiging ok ang lahat kung matatanggap ko ng maluwag sa aking damdamin na sya ay bakas na lamang ng iyong nakaraan.

FUTURE - Panghinaharap na ating masusuing pinagpa-planuhan. Marami tayong pangarap, maliliit at malalaki. Bilib ako sayo, sa mga desisyon, sa mga salita mo. Sana lang ang mga pangarap natin, bigyan natin ng katuparan para hindi masayang ang mga preparasyon. At alam na alam ko na din, na sa pagharap natin sa mga susunod na panahon, limot mo na sya. Kung hindi pa man, sisikapin kong makalimutan mo ang nakaraan at mag-focus nalang sa ngayon at bukas.

*** Meron tayong Plan A at Plan B. At kung di man magtagumpay ang mga plans na yan, pwedeng magkaron ng Plan C o kung hanggang san man abutin ang mga plano natin. Isa-isa nating bibigyan ng liwanag ang mga yan, sabay na haharapin ang bukas at kapit-kamay na tatahakin ang landas tungo sa hinaharap. Umaasa akong ikaw at ako, hanggang sa huli...

Tayo, hanggang sa wakas... Pero di ako naniniwala na ang satin ay may wakas...
Kaya...
Tayo, hanggang sa walang hanggan...