Sunday, November 7, 2010

XTET


Sinubukan kong isangguni ke kaibigang Mr. Google ang ibig sabihin (o kung meron man) ng salitang XTET, pero wala syang maibigay sa akin. Ang suhestyon nya XTET Games. Kaya yun ang tinignan ko. Hahaha! Ang lumabas: "An unusual Tetris clone that was actually a mini-game in GAG, 1996, Windows 9x." At eto ang nakatawag ng pansin ko... "Tags Erotic Tetris" Hihihi...

Tama naman yung tag na yun. Kasi ang XTET isang computer game na parang naglalaro ka lang ng tetris. Pero sa XTET, tao ang pagpapartnerin mo. At hindi lang basta tao, kundi mga hubad na lalake at babae na pagtatapatin mo upang makabuo ng isang posisyon sa pakikipagtalik. Sextris o Sex Tetris din ang ibang tawag dito.

At naisip ko na ang may likha ng game na to ay maaring babae o lalake at hindi kagaya ko na tivoli or kagaya ni Bibi Gandanghari (aka Rustom Padilla) na binabae or badingski. Kasi kung ako ang gagawa ng ganyang libangan, puro babae ang pagpapartnerin ko.

Nakakatawa nga na habang nilalaro ko to, pinipilit kong pagpartnerin yung dalawang babae. Hndi ba obyus na talagang tivoli ako? Kaya lang ayaw naman at talagang hindi ata pwede kasi nagpapatong-patong lang sya (parang orgy) at made-dead lang ang game ko pag pinilit ko syang pagpartnerin. Ilang ulit ko ding sinubukan at lahat ng posisyon na alam ko (alam daw, hahaha!), pero ayaw talaga. Sinubukan ko din ang parehas lalake, baka sakaling umubra kasi nga mas tanggap ang gay relationships kesa sa lesbian relationships, pero ayaw pa din, hahaha! Pati ba naman sa games me discrimination? Hehehe..

Ang nakakatuwa pa sa larong ito, kapag meron ka ng nabuo na partner, meron syang sound ng babae o lalake na animoy nasasarapan o kaya naman me biglang sisigaw na akala mo eh totoong nakarating sa langit at sukdulan. Parang habang naglalaro ka, merong nagje-jerjer sa tabi mo tapos naririnig mo ang mga ungol at halinghing nila.  Idagdag pa yung nakaka-tense na background music, kasi habang natagal ka sa game nataas ang level mo tapos nabilis din yung background music na pag naririnig ko kinakabahan ako, hehehe!

Kung gusto nyo mag-download ng game application, available to ke Mr. Google. Hanapin nyo lang sa search box  "XTET Game Free Download o kahit XTET Game" lang lalabas na yun.



No comments:

Post a Comment