Saturday, October 30, 2010

Match Box Car

Nung bata pako, gustong-gusto ko ng mga match box car o yung maliliit na laruan na sasakyan. Merong kotse, trak at bus. Iba't-ibang laki, modelo pati kulay. Hindi ko alam bat gusto ko nung match box car. Basta naaalala ko pa, pag magpapasko, gustong-gusto ko ibili yung mga inaanak kong lalake ng ganun tapos ireregalo ko. Minsan nga nanghihinayang pako ibigay kasi nga paborito ko din. Isa ata iyon sa mga senyales na isa akong "magic" (ibang bansag sa tibo.)

Meron akong kebigan na nagta-trabaho sa isang fast food chain. Naging free sa kiddie meal yung mga trak na iba't-ibang kulay at design. Nakakatuwa nga, kasi binigyan nya ko ng 2 sets nun. Pero nakita ng pamangkin ko kaya ibinigay ko nalang. Nag-iwan lang ako ng isang piraso para sakin, remembrance. Hanggang ngayon, andito pa din sa drawer ko, nakatabi, nakatago at iniingatan ko.

Yung tita ko me kotse, pero di naman kagandahan at kamahalan ang modelo. Piling ko nga, pinaka murang kotse un sa Pilipinas. Nung kasagsagan ng promo ng shell sa Ferrari cars, meron ung tita ko. Natutuwa ako pag naka-upo ako sa front seat. Kasi tinititigan ko ung Ferrari na naka display. Minsan hinahawakan ko, kaya lang natatakot ako baka masira ko wala akong pambayad. Basta ang palagi nya sinasabi "mahal yan, baka masira". Kaya natanim na sa isip ko na mahal nga at nakakatakot.

Gusto ko nga magkolek ng iba't-ibang design ng match box cars tapos gusto ko syang gawing design sa kwarto. Plano ko na ilagay un sapalibot ng silid, ung pinaka dingding ng kwarto yun ang naka hilera sa sahig. Iba''t-ibang kulay, laki at design.

No news, Good news

Sa tuwing me mga naiisip akong bagay na nagpapabagabag sa akin o nagpapa-windang sa isip ko, nagkakataon naman na andiyan yung kaibigan kong si Andrei. Sya ang nagsisilbing taga-pakinig ko sa tuwing me mga problema ako, naiinis ako, masaya ako at sa lahat na ata ng emosyon na nararamdaman ko, madalas sa kanya ko nasasabi. Ngayong araw nato, sobrang nag-aalala ako. At syempre andiyan nanaman si kaibigang Andrei.

Eto ang ilang bahagi ng aming usapan:

Like: last text nya 9:49 sa pinas
Like: anong oras na dun 2:20 na
Andrei: haha
Like: ni walang text
Like: anong gusto nyang isipin ko?
Andrei: tapos na check-up nun
Like: kaya nga, pero walang text, walang kusa
Andrei: isipin mo nalang na no news good news
Andrei: para di ka mahirapan masyado
Like: kasi nga di naman ako ganun eh...

Palaging sinasabi sakin ni Andrei yung "no news good news" na yan. Sabi ko nga sa kanya "i don't trust my feelings", eh totoo naman. Iba pa din kasi yung makakarinig ka ng balita galing dun sa taong involve dun sa iniisip mo. Hindi naman pwedeng isipin natin na kapag wala tayong naririnig na balita eh magandang balita nga ang hatid. Kadalasan kasi kaya hindi satin sinasabi ang mga balita, lalo na't di naman kagandahan, eh para hindi daw tayo mag-alala or maabala. Hindi nila minsan naisip na kapag hindi natin nalaman ang totoo, mas lalo tayong nag-aalala at mas lalo tayong naaabala kasi madaming bagay ang apektado. Dahil nasa malalim kang pag-iisip, hindi ka makapag-trabaho ng ayos, hindi ka makapag-isip ng tama, kung ano-anong naiisip mong nangyari, maninikip ang dibdib mo sa sama ng loob, sasakit ang ulo mo kaka-isip at kung ano-ano pang sandamakmak na pahirap at abala ang kaakibat nyan.

Kagaya nung bago palang ako dito sa bansang kinalalagyan ko. Umalis ako sa Pinas na medyo masama na ang kondisyon ni Tatay. Tinira sya ng isa sa mga pinaka-traydor na sakit, stroke. Akshuli, isa sya mga dahilan kung bakit pinili kong mangibang-bansa. Nung mga panahon na palagi akong tumatawag sa bahay para kamustahin si Tatay, pilit itinatago sakin ng mga ate ko ang totoong lagay nya. Palagi nalang nila sinasabi sakin na "ok naman si Tatay, medyo malakas na". Ganun palagi ang sagot nila sakin. Kampante naman ako na ok nga si Tatay kaya hindi ako masyadong nag-iisip. Minsang tumawag ako sa ate ko upang kamustahin ang lagay ni Tatay, sinabi nya sakin ang totoo. Na hindi naman pala talaga ok ang lahat, na mas lalo daw nanghina si Tatay nung umalis ako. Hindi lang daw nila sinabi sakin ang totoo para daw hindi ako mag-alala. Hanggang sa makalipas ang isang linggo, binawian na ng buhay si Tatay.

Ang punto ko lang, mas mainam na kahit ano pa ang balita, masama man o maganda, me karapatan tayong malaman ang lahat, ang katotohanan. Hindi ko naman sinabing mapapanatag ang kalooban at isipan mo kung malaman mong nasa ospital o namatay na ang isang tao o nag-aagaw buhay ang malapit sa puso mo. Mas mainam na ipaalam yung mga seryosong bagay sa mga taong alam mong dapat na makaalam para naman di natin sila binibigyan ng alalahanin. Mas mahirap kasi na iniisip natin na palaging ok ang lahat, na walang masamang nangyari at umaasa tayong maayos ang lahat yun naman pala'y, malala na at huli na.

Past, Present at Future

Ilang araw ng may gumugulo sa isip ko at nagpapabagabag sa damdamin ko. Hindi ako maka move-on o mas angkop na sabihing insikyur ako?

PAST - Merong bahagi ng aking kasalukuyan na hindi ko maiwasang lingunin ang nakaraan. Hindi ko alam kung anong meron sa nakaraan na sa tuwing sumasagi sa aking isipan, hindi ko maiwasang mangamba at matakot. Alam ko naman kung ano ang meron sa hinaharap, malaking kontribusyon nito ay nanggaling sa nakalipas.

*** Hindi ko maiwasang masaktan sa tuwing naiisip kong sobrang mahal mo sya sa iyong nakaraan. Nabasa ko ang mga pruweba na hanggang ngayon ay nakapaknit sa aking isipan. Sinisira nito ang aking kaisipan at hindi malayong sirain ang ating kasalukuyan at hinaharap. Kaya, sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong tanggapin ang katotohanan na "minahal mo nga sya ng todo". *sad*

PRESENT - Kasalukuyan kong nilalabanan ang aking emosyon at pinipilit kong paniwalaan ang lahat ng bagay na sinasabi mo sakin. Pangakong pinanghahawakan ko at pagmamahal na hindi ka naman nagkulang na iparamdam sakin at mga nag-uumapaw na kaligayahan sa tuwinang kausap kita.

*** Alam ko, mahal mo ko at pinipilit kong alisin sa aking kukote na hindi mo na sya mahal at wala ka ng balak na balikan pa sya, gaya nga ng sinabi mo sakin. Sa ngayon, kelangan ko lang talagang maniwala at magtiwala sayo at sa mga pangako mong ako lang ang mahal mo. At sigurado akong mas magiging ok ang lahat kung matatanggap ko ng maluwag sa aking damdamin na sya ay bakas na lamang ng iyong nakaraan.

FUTURE - Panghinaharap na ating masusuing pinagpa-planuhan. Marami tayong pangarap, maliliit at malalaki. Bilib ako sayo, sa mga desisyon, sa mga salita mo. Sana lang ang mga pangarap natin, bigyan natin ng katuparan para hindi masayang ang mga preparasyon. At alam na alam ko na din, na sa pagharap natin sa mga susunod na panahon, limot mo na sya. Kung hindi pa man, sisikapin kong makalimutan mo ang nakaraan at mag-focus nalang sa ngayon at bukas.

*** Meron tayong Plan A at Plan B. At kung di man magtagumpay ang mga plans na yan, pwedeng magkaron ng Plan C o kung hanggang san man abutin ang mga plano natin. Isa-isa nating bibigyan ng liwanag ang mga yan, sabay na haharapin ang bukas at kapit-kamay na tatahakin ang landas tungo sa hinaharap. Umaasa akong ikaw at ako, hanggang sa huli...

Tayo, hanggang sa wakas... Pero di ako naniniwala na ang satin ay may wakas...
Kaya...
Tayo, hanggang sa walang hanggan...