Sunday, November 13, 2011

PS! PS! I Love You!

Nung nakaraang Huwebes, masyado akong dinala ng aking isip sa isang malalim na pagbabalik tanaw sa aking nakaraan... Sa aking kabataan....

Meron akong crush nung elementarya pa lamang ako. At take note ha, lalake sya, hehehe! Alala ko yung kalaro kong si MARK, na itinuturing kong childhood sweetheart ko. Madalas kasa-kasama ko sya sa mga laro noon, sa pagtambay sa mga nakaparadang jeep o tricycle sa lansangan habang nakikipag-kwentuhan ako sa kanya ng mga usapang pang-bata. Tinutukso na nga kami nung mga matatandang tsismosang mga kapit-bahay namin na baka daw kaming dalawa ang magkatuluyan kasi nga palagi kaming dalawa ang magkasama. Na ikinatutuwa ko naman, kasi nga kras ko sta. Pati pagpasok sa school, kasabay ko sya pati sa pag-uwi na minsan ay binibitbit pa nya ang bag ko kasi masyadong mabigat ang bag ko noon.

Madalas kasama ko sya at kakampi sa larong patintero, syato, luksong kalabaw na talaga namang pagalingan sa pagtalon na kahit na halos nakatayo na yung taya ay kelangan mo pa din naming makalukso at makatawid sa ulo nyang nakayuko. Kakampi ko din sya sa football, na kelangan kong sipain ang bola ng ubod ng lakas upang maisalba at mabuhay ko ang mga kakampi kong namatay na dahil nabato sila ng bola habang pilit na binibilisan ang takbo pabalik sa home base.

Pati sa larong kalog tansan, tatsing ng tansan o mga tau-tauhan, yoyo, holen, teks, sungka, piko, ang sikat na sikat na ten-twenty, chinese garter na ang ginagamit naman namin ay goma na tinirintas at kung ano-ano pang mga laro na pambata. At isa pa sa mga paborito kong laro ay yung tumbang-preso kung saan titirahin mo ng tsinelas ang latang nakatayo sa bilog na igihunit gamit ang chalk o kaya uling o kaya naman yung kulay orange na piraso ng paso na galing pa sa nabasag na paso ng nanay mo o kapit-bahay mo.

Palaging kasama ko si Mark at kadalasan ay kakampi ko pa sya.

Meron isang laro na hindi na pwede ang kampihan kasi kelangan may taya na hahabol sa lahat ng kasali upang mahawakan ito. At kapag nahawakan mo yung kalaro mo, sasabihan sya ng taya ng "PS". Ibig sabihin di sya pwedeng gumalaw hanggat di sya nahahawakan ng ibang kasali sa laro at nasasabihan ng "I
LOVE YOU".

"PS, PS, I love you. Mahal mo ba si Gabby, yes or no. Y-E-S (kapag yes ang sagot) or N-O (kapag no ang sagot), ales!" Eto ang popular na lyrics ng larong ito habang tinuturo-turo isa-isa paikot ang lahat ng kasali sa laro. Kapag natapat sayo ang hintuturo ng lider-lideran at ang salitang "ales!", ibig sabihin alis kana sa nakabilog na mga kasali sa laro at ligtas ka sa pagiging taya. Masayang laruin kapag madami kayo at hindi pwedeng laruin ng dalawa lamang kayo, hehehe! Pero, parang pwede din kung dalawa lang kayo. Kapag nahawakan ka ng taya at nasabihan ng PS, automatic na taya kana at ikaw naman ang hahabol sa kanya. Yun nga lang, wala ng tsansa na masabihan kapa ng I Love you kasi nga dalawa lang kayo. Korni to kapag ang kalaro mo ay kras mo kasi di ka naman nya masasabihan ng I Love You, puro PS lang.,

Nung mga panahon na naglalaro kami nila Mark nito, natutuwa ako kapag na-p-PS sya kasi mamadaliin ko ang pagtakbo para ako ang maka-I Love You sa kanya. Kapag nakita kong di na sya nagalaw, minamadali ko ang pagtakbo ko kahit na halos magkandarapa pako, para makarating agad sa kanya at ma-tap ko sya sabay banggit ng I Love You, with matching smile pa yun. O kaya naman, masayang-masaya nako nun kapag ako ang na-PS at sya ang mag-a-I Love You sakin. Naiinis pa nga ako kapag yung kalaro naming si Junior o kaya si Bong-bong ang nag-I Love You sakin. Parang gusto ko ulet ma-PS ako nung taya at si Mark ang mag-I Love you sakin.  O kaya naman gagalaw nalang ako para maging taya kesa naman mag-I Love You sakin si Junior o si Bong-bong.

Pero bakit nung mga panahon na yun, di ako natutuwa kapag babae ang nag-I Love You sakin??? Tapos nakakatawa pa nga, kasi nagkakagulo ang mga babae kong kalaro at nag-uunahan pa kapag ang na-PS ay yung mga kalaro kong lalake. Siguro kung simula pagkabata hanggang sa ngayon ay pwede pa ding laruin ang larong yan, baka sakaling straight ako ngayon. Pero hindi din siguro, kasi nga nung bata palang ako attracted nako sa mga babae kong kalaro, yun nga lang meron nga akong kras, si Mark nga.

Kung ngayon ako makikipaglaro nyan, mas kikiligin ako kapag babae ang nag-I Love You sakin, hehehe! Natatawa nalang ako kapag naiisip ko yung mga masasayang alaala ng aking kabataan. Minsan naiisip ko pa din yung mga kalaro ko kung nasan na sila. Napapangiti na nga lang ako kapag naalala ko ang larong PS! PS! I Love You! Di ko man lang naisip na ngayon mas masaya akong mag-I Love You sa kapwa ko babae. :)


Wednesday, November 9, 2011

lingon sa nakaraan...

Eto nanaman ako at walang magawa kaya naalala ko nanaman ang aking blog. Buti nga di ito nagtatampo sa mga panahon na hindi ko halos sya mapansin o maisip man lamang dahil sa sobrang bisi ko sa trabaho. Sa mga nakalipas na araw, palagi kong nakakausap yung isa sa mga X ko, hehehe! Nakakatuwa na kahit na ang layo na nya sakin, yung friendship eh andun pa din. Yun lang naman ang isang gusto kong maiwan sa lahat ng mga babaeng minahal ko, yung wag masira ang friendship at di mawala yung communication.

Bigla kong naalala yung tula na ginawa ko sa kanya, sa X ko nga, bago sya mag birthday. Syempre, hinalungkat ko ang sent items ng email ko para makuha yung kopya nung tula. Nakakatawa na noon pa man, frustrated writer na talaga ako. Eto pala yung kopya ng tula...

Thank you for all the friendship, love & support,
For all the help you shared, for a good rapport,
You’re always there to lend your shoulder & offer a helping hand,
You reach out for me every time I fall & help me to stand.

Hopefully you’ll never forget me nor attempt to ignore me,
For it will break my heart, don’t dare to try coz you’ll see,
Don’t try to turn your back on me & leave me in despair,
Coz my friend, you complete me with lots of mem’ries we shared.

Everyday I ask God to protect you from any harm,
To give you wisdom that you will unite with your charm,
To give you strength for you to live a better & longer life,
And reincarnate our lasting friendship ‘til our second life.

And now another year is about to add in your existence,
God is so generous to prepare another chapter of your persistence,
You’re now wiser, little bit older yet so young at heart,
But it’s just a matter of figure coz u never changed from the start.

Roads you traveled was really hard and sometimes annoying,
But you never showed tiredness & pretend that life is so enjoying,
You’re such a distinct, witty & brave woman I adore,
Coz you take pleasure in everything & win the battle with a perfect score.

Today my friend, I really wish great life ahead of you,
Coz you deserve lots of happiness, love & blessings, yes it’s true,
Please remain unchanged & I love you coz you are you,
‘Ope our relationship will be as hard & tough just like the lady I admire…It’s you…


Oh diba? Kahit papano naman pinag-isipan ko yan at bukal sa puso ko... Dami pakong nasulat na tula, yung iba mga hinaing at nararamdaman ko na hindi ko mailabas kaya dinadaan ko nalang lahat sa pagsusulat.... Sinulat ko nga pala tong tula nato taong 2007 noong sya pa ang gelpren ko habang nakikipagsapalaran ako at nangangarap na makakita ng totoong elepante.



Tuesday, September 13, 2011

Sana Dalawa Ang Puso Ko

Parang kailan lang, buhay ko'y walang gulo
May minamahal at minamahal ako
Nang makilala ka, buhay ko'y biglang nagbago
Ako'y nagtataka, puso ko'y litung-lito

Nagsimula ang lahat sa isang simpleng pagkikita, simpleng pagkakape sa "Starbucks". Kwentuhan, chikahan, tawanan... Hindi ko sukat akalain na ang simpleng pagkakape na yun ay masusundan pa ng di mabilang na pagkikita....... at di inaasahang pagkahulog ng loob sa isa't-isa..... na nauwi sa isang seryoso at malalim na relasyon.... Yun nga lang, dalawa silang minamahal ko..........

Bakit nga kaya iisa ang puso natin
Hindi naman natin maaring hatiin

Kung sana pwedeng magmahal ng sabay, eh di wala sanang nasasaktan....

Sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana nalilito kung sino sa inyo
Sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo

Matagal ko na ding tanong to. Hindi ko alam kung sadyang mapaglaro ang tadhana at talagang nananadya na kung kelan may mahal nako saka naman may nakilala akong tao na nagbibigay ng kaligayahan at pagmamahal sakin ng walang alinlangan.......

Para bang tukso na 'di ko kayang matalo
Isip ko'y lito, walang mapili sa inyo
Sabi nga nila, 'di maaring magpantay
Pag-ibig sa dal'wa; kaya tanong ko lagi ay...
Bakit nga kaya iisa ang puso natin
Hindi naman natin maaring hatiin
 
Sobrang hirap! Alam na alam ko ang dapat gawin. Pero kahit anong gawin ko, may masasaktan talaga. At isa ang sigurado ako, masakit sa akin kung sino man ang pipiliin ko at iiwanan ko..... Sa ganitong sitwasyon, isa ako sa talo....

Ngunit kung isa sa inyo'y mawala
'Di makakaya ang hirap na madarama
Kahit alam ko na darating din ang araw
Na pipili ako kung siya na nga o kung ikaw


Hindi ba talaga pwedeng silang dalawa? Mahal ko naman sila parehas at mahal din naman nila ako.... Para wala nalang masasaktan, walang iiwanan at walang mang-iiwan..... 

Minsan lang sa buhay natin ang makatagpo tayo ng taong magmamahal satin ng lubos at ng walang pag-aalinlangan. Pag-ibig na masasabi kong talagang maligaya ako. Yun nga lang, ang puso koý pag-aari na ng iba. Sobrang nasasaktan ako na may isa akong iiwanan sa kanila. Sana talaga, dalawa ang puso ko para di ko na kelangang mamili sa kanila.....

Tuesday, July 12, 2011

Kapeng Bakla


Hindi ko alam kung bakit adik na adik ako sa kape. Di kumpleto ang araw ko kapag di ako nakainom ng kape. Sa umaga, bago ako maligo, kelangan ko muna lumagok sa mainit na kape. Kahit nga di moko pakainin ng agahan ok lang sakin, basta may kape.

Sabi ng mga kaibigan ko, masarap daw akong magtimpla ng kape (bola!). Naalala ko pa, yung dating kasama ko sa bahay, kapag nakita nyang magtitimpla ako ng kape, magmamadali pa syang kumuha ng mug nya para maki-patimpla ng kape. Wala daw kasing lasa ang kape nya. Partida yun, nag-trabaho pa sya dati sa isang sikat na coffee shop. Pwede ko ngang isama ang "kape" sa mga libangan ko.

Di ko din alam kung ano bang meron sa kape ko at madaming may gusto ng timpla ko. May gayuma ba? Wala naman sa lahi namin ang mangkukulam, hahaha! Isa lang naman ang sagot ko sa mga nagtatanong: "Kapag gusto mo ang isang bagay at ginagawa mo ito ng maluwag sa puso mo, maganda ang resulta".

Para din yang:
  • Relasyon - na kung mahal nyo ang isa't-isa, lahat ng gawin nyo kahit simple lang, super enjoy ka. Korning joke na sinabi ng mahal mo, pagtatawanan mo ng bonggang-bongga kasi mahal mo yung nagpapatawa. Kumbaga, suportado mo sya.
  • Trabaho - na kung gusto mo ang trabaho mo, sipag na sipag ka palagi. Kung ang pakiramdam mo ay importante ka sa trabaho mo, gaganahan ka. Yung mga taong nasa paligid mo ang inspirasyon mo habang nagtatrabaho ka.
  • Pagkain - na kung paboritong putahe mo ang ulam, ang dami mong nakakain. Kulang nalang, ubusan mo yung mga kasama mo sa bahay kasi mga peyborit mo yung ulam. 
  • Damit - na kung peyborit mo din ang damit, palagi mong sinusuot. Na kung minsan, kahit na hindi angkop ang damit sa okasyon, keri lang basta ang importante suot mo yung pinaka-paborito mong damit.
Marami pang bagay ang maari kong ihalintulad sa kapeng bakla ko.  Basta ang secret ingredient ay: "Dapat andun ang pagmamahal sa kung ano mang bagay ang ginagawa mo. Kelangan kasama ang puso. Ang kape parang babae din, kelangan tama ang timpla para masarap at dapat mainit para nakakagising, hehehe!"

Wednesday, June 8, 2011

JAYCEE

10 minutes ago, medyo nayanig ang puso ko. Hindi ko naman alam kung ano ang pumasok kukote ko at biglang naisip ko yung ex ko. Nasa ibang bansa sya, ayon sa huling balitang nakarating sakin.Kung pagbabasehan mo ang globo, nasa parteng timog sya. Naka-blocked ata ako sa facebook account nya at nagkaburahan na din kami sa friendster, buti nalang yung isang kaklase ko nung hi-skul ay friend ng sister nya sa facebook. Kaya nase-search ko yung sister nya. Although naka-private yung wall and other info, yung mga albums malamang ang setting na allowed maka-view ay friends of friends. Kasi di ko naman friend yung sis nya. Nagkataon lang na me common friend kami kaya ko na-oopen yung mga album nya.

Lets move forward. Isa sya mga totong minahal ko sa mga naging girlfriend ko. Kasi yung iba, fling-fling lang, hahaha! As in super umasa ako sa relasyon namin noon. Biglang isang araw, nakipag-hiwalay sya na ang main reason ay ang family nya. Masyado kasing close yung family nya at malamang na magagalit yung parents nya kapag nalaman yung relasyon namin. Relihiyoso pa silang buong pamilya. Pumayag ako sa hiwalayan na yun dahil umaasa akong babalikan nya ko ulet. Umabot halos ng dalawang taon ang pag-aantay ko sa kanya. Nung nakita kong makikipagsabayan ako sa mga mahilig mangutang na palaging tinatanong kung kelan magbabayad at ang sagot ay "pagputi na ng tagak", humanap nako ng bagong chick na magpapaligaya sa aking pagkababae.

Nalaman nyang nagkaron ako ng bagong gf, kaya nagalit sya sakin at iyon na yung simula na pagdalang ng aming text, tawagan at pagkikita. Hindi ko inalintana yung mga yun kasi nga alam ko naman na wala na talagang pag-asang magkabalikan kami. Hindi na din kami nagkita nung bago sya umalis papunta sa kung san man at pagbalik nya at muling pag-alis nya at pamamalagi sa lugar kung nasan sya ngayon. Wala nakong balita sa kanya, kahit yung mga common friends namin tinatanong ko paminsan-minsan pero wala din silang balita kasi di din sila ina-add sa facebook, hahaha!

Hanggang sa kani-kanina nga lang, naisipan kong i-view yung mga albums ng kapatid nya. At dun ko nakita na kinasal na pala sya. Sa palagay ko, citizen sa lugar na yun ang napangasawa nya at alam kong matagal na din nyang bf yun. 

Shocked ako, sa ilang segundo o minuto ata, natulala ako. Pagkatapos, naramdaman kong kahit papano, may kurot pa din pala. Masakit pa din palang malaman na yung taong mahal na mahal mo dati, nasa piling na ng iba. Masaya na din ako kahit papano, pero aminado akong nalungkot ako at nasasaktan pa din sa mga sandaling ito. Pero siguro kung ang paghihiwalay namin ay nagkaron pa din ng puwang ang pagkakaibigan, hindi ganito kasakit (DAPAT SLIGHT LANG!), hindi ganitong sobrang nabigla ako. 

Sweety, My Jaycee... Hangad ko pa din ang kaligayahan mo!


* accidentally, june 8 ko nasulat ang blog nato. natatandaan kong 8 ang monthsary namin :(

Thursday, April 14, 2011

Jan-jan vs Willie Revillame

Masyadong maugong ang isyu na to tungkol ke Jan-jan at Willie. Kalat na kalat kahit sang sulok ng cyberspace. Lalong-lalo na sa Facebook at Twitter. Nakakatawang isipin na masyadong lumaki ang isyu nato, na para sa aking opinyon ay di naman sana lalaki kung di pinalaki ng mga taong galit na galit kay Willie. Hindi ako fan ni Willie o ng kahit na ano pang palabas nya o kahit pa ni Meryl na anak nya. Gusto ko lang din makisawsaw sa kaguluhan ng kontrbersyal na "macho dancer, call-boy, stripper" dance ni Jan-jan. Nung una kong napanood tong sayaw nato, wala akong ibang naramdaman kundi natatawa talaga ako. Humanga ako sa galing ni Jan-jan, at his age, ang galing nyang magsayaw ng ganun. Natatawa ako na kapag natugtog bigla syang sasayaw kahit na naiyak sya. Nagtataka din ako bat naiyak si Jan-jan?

Hindi ko sukat akalain na maliligalig ang buong mundo sa sayaw ni Jan-jan. Napaisip ako.... Ano ba talagang isyu? Masama ba yung ginawa ni Willie? Masama ba yung nagturo kay Jan-jan ng sayaw na yun? Masama ba ang magulang ni Jan-jan? O sadyang masama lang ang tingin ng mundo kay Willie? 

Natatawa nalang ako na kada magbubukas ako ng FB ko, mga post tungkol sa isyu na yun. Naisip ko nga, tong mga taong to, ang daming pwedeng pagtuunan ng pansin, sana yun nalang muna ang isipin nila. Buti nga tamad pako buksan yung Twitter ko kasi karamihan ng mga artistang nasangkot dun sa mga palitan ng masasakit na salita ay sinusundan ko. Lalo na syempre si Aiza Seguerra, hehehe. Kabaro eh.

Sana lang tigilan na nila yung isyu na yun, mas madami kasing mas dapat pag-ukulan ng pansin. Mas nababahala ako sa mga batang dinudukot sa kung saan-saan at kinukuha ang mga laman-loob para ibenta. Mas nababahala ako sa mga kalamidad na nangyayari sa buong mundo. Mas nababahala ako sa mga gyerang nangyayari. Mas madaming dapat ikabahala. 

Wala naman kasalanan si Jan-jan o si Willie. Nagpasama at nagpalaki nalang dyan yung mga taong walang magawa sa buhay. Hindi ako against kay Willie o sinasabing wala akong puso upang di maawa kay Jan-jan sa ginawang pagpapasayaw ni Willie at pinasayaw pa sa umaangat na sahig na hindi ko alam ang tawag.

Opinyon ko lang naman to. Sana mas pagtuunan yung mga isyung mas komplikado at delikado. Si Jan-jan naman kaya sumayaw ng ganun dahil gusto nyang sumali sa contest. At dahil nag-eenjoy ang mga manonood, pinaulit-ulit pa ni Willie dahil na rin sa sayang naibibigay ni Jan-jan sa mga manonood. Nagkakasayihan at nagkakatuwaan pero hindi ibig sabihin na inabuso ang karapatang pang-tao ni Jan-jan at nilapastangan ang kanyang kabataan. 

Inuulit ko, kung may makabasa man nito, opinyon at kuru-kuro ko lang to.Wala akong pinapanigan at lalong wala akong sinisiraan. Pala-palagay lamang po!

Tuesday, March 22, 2011

Untitled

Wow! Ang tagal kong tahimik ah! Hehehe! Masyadong kinain ng trabaho ang oras ko kaya di nako nakapag-sulat ulet. Etong bagong post ko, bagong karanasan nanaman sakin.

Last week, habang papasok ako, naisip ko yung mga kaibigan ko. Kasi, yung iba alam na nilang lesbiana ako. Kamakailan lang, nalaman na nila. Hindi naman hayagan ang pag-amin ko, basta umabot sa puntong kelangan na. Hindi pa naman ako inuulan ng tanong, pero tinatawagan ako ng mga malalapit kong kaibigan nung mga oras na yun. Hanggang sa matapos ata ang araw na yun, tina-try nilang kontakin ako. Di ako nasagot sa tawag o text. Di ko din kasi alam kung anong isasagot ko sa sandaling ratratin nila ako ng tanong. Gusto kong manahimik nalang muna. 

Yun nga, naisip ko yung mga kaibigan ko. Ngayon ko kasi masusukat kung talagang kaya nila akong tanggapin sa kabila ng pagiging lesbiana ko. Napaisip ako ng malalim. Hindi ko alam kung sa sandaling magkaharap-harap kami ay anong sasabihin ko sa kanila. Di ko naman talaga gustong itago ang pagkatao ko sa kanila. Pero sa ilang taon na kaibigan ko sila, nakiramdam ako kung ano tingin nila sa mga gaya ko. Tintignan ko ang reaksyon nila at mga sinasabi nila kapag me nakikita, nakaksalamuha o nababalitaan silang me koneksyon sa katomboyan

Isa sa mga naisip ko na dahilan kung bakit hindi ko masabi sa kanila ay yung "rejection". Tama! Kasi natatakot akong mawalan ng kaibigan pag nalaman nilang ganito ako. Natatakot akong libakin nila at layuan o iwasan. Natatakot akong pag-tsismisan nila ang pinili kong buhay. Natatakot akong marinig ang salitang "yuck" sa sandaling malaman nilang meron akong girlfriend. 

Madami akong kinatatakutan kaya siguro ilan lang sa mga kaibigan ko ang talagang nakakaalam kung ano ba talaga ang pagkatao ko. Hindi ko alam kung tama bang matakot ako o pabayaan ko nalang sila sa mga gusto nilang isipin tungkol sakin. Hindi ko alam na tama bang lumantad nako. Nahihirapan na din kasi talaga ako minsan lalo na kapag pumapasok na ang usapin ng pag-aasawa. Alam kong madami silang tanong sakin, na hindi nila maisatinig. Dahil siguro nahihiya sila o natatakot na malaman ang katotohanan. 

Gusto kong maging malaya, maging masaya at maramdaman na tanggap nila ako. Sabi naman ng ibang mga lesbian friends ko, kung talagang kaibigan ko sila matatanggap nila ako. Tumpak! Wala namang pinipiling pagkakataon, lugar, tao o pangyayari ang kaibigan. Kung kaibigan nga sila, kahit ano pa tatanggapin nila ako. Wala naman akong  ginagawang masama. Hindi ako nagbebenta ng droga, nagnanakaw o pumapatay ng tao. 

Kung sana pwede kaming mamuhay ng walang mapanghusgang mga mata na laging nakabantay samin. Walang manlilibak o manlalait samin. Walang simbahan, institusyon o pribado/publikong organisasyon na kumokondena samin. Walang makikitid na taong huhusga sa pagkatao namin. Walang kaibigan o pamilyang tatalikod samin. 

Basta ang masasabi ko lang,... Kaming mga lesbiana ay mga tao din na may puso't damdamin kaya marunong din kaming magmahal... Yun nga lang, sa kapwa namin babae.... Masama ba yun?

PS:
UNTITLED muna ang pamagat, wala pa kasi akong maisip eh. :)


Saturday, January 29, 2011

Snooze

06:30 am - natunog ang alarm ng cellphone ko para sa alas-otsong pasok ko sa trabaho. tinatamad pakong tumayo kaya snooze ko muna;

06:35 am - muling tumunog ang cellphone ko, ibig sabihi ay tapos na ang 5 minutes na extension ko sa aking kama. kinuha ko ulet ang cellphone, snooze ulet;

06:40 am - tinatamad pa din akong tumayo, kaya snooze ko ulet, huling tawad ko na talaga, promise! ; 

06:45 am - sa ayaw at sa gusto ko, kelangan ko ng tumayo at kung hindi ay mahuhuli nako sa trabaho dahil malamang sa alamang, late ako sa usapan namin ng carlift ko na 7:15 ay nasa baba nako ng building namin at kapag wala ako ay iiwan na nya ako, haiizzzttt...

Snooze ang madalas na ginagawa ko sa cellphone ko kapag humihingi ako ng extension ng kahit sandali sa pagtulog ko, kapag tinatamad pakong tumayo at antok na antok pako lalo na kapag wala ako sa mood pumasok kasi magka-away kami ni GEE. Sana pwedeng i-apply ang snooze sa......
  • mahal sa buhay na pumanaw na nasa bingit ng kamatayan - na kung pwede lamang na i-extend pa yung pag-stay nya sa mundong ibabaw para mas matagal pa natin silang makasama;
  • isang tinatapos/patapos na relasyon -  na sana pwedeng snooze din, extend pa ng kahit 5 mins, 5 hours, 5 days, 5 weeks, 5 months, 5 years or lifetime snooze na upang magawa ang mga di nagawa, mabago ang dapat baguhin o kaya naman mas maipadama pa at maipakita na talaga namang worth pa na i-extend ang isang relasyon;
  • kapag natatapos ang usapan namin ni GEE - na sana wag muna talagang matapos ang landian session namin sa chat or email. minsan kasi kelangan na naming mag-pahinga, matulog, umalis, kumain, gumawa ng me kabuluhan (pero me sense naman yung landian namin), maligo, maglaba, maglinis ng bahay at kung ano-ano pa;
  • kapag iniiwan ako ng carlift ko - na sana kung binigyan nya ko ng extension na 1 snooze lang (5 minutes) di sanaý hindi ako late sa work ko;
  • kapag me pupuntahan na mahalaga tapos di natin inabutan gaya ng bangko, grocery, schedule ng bus o ng train, eroplano sa airport, start ng misa, start ng palabas, at etsetera;
  • babaeng buntis - na kung sana me snooze ang pagkakabuntis, kunwari extension na 5 days para antayin ang monthly period ng babae at kapag walang period (comma nalang!), sige ok na, buntis nga sya;
  • mga sale sa mall na hindi tumapat ng sweldo para makigulo sa sale, sa buy 1 take 1 o buy 2 take 1 at mga promo na ang ibaý marketing strategy lang kasi di naman talaga sale yung item;
  • kung si popoy at basya ay nag-snooze ng relasyon nila at nag-extend ng pasensya sa isa't-isa kasi sila din naman pala sa bandang huli, di sana nasaktan ng bonggang-bongga si trish tsk!;

Kung tutuusin, ang daming pwedeng mangyari sa bawat pag-snooze natin. Parang second chance yan, one more chance kumbaga. Pero sana, sa bawat snooze at bawat pagkakataon na binibigay satin, hindi natin sinasayang. Bagkus mas mag-exert pa tayo ng effort na gawing makabuluhan ang snooze ng ating buhay, kasi di lahat nabibigyan ng bibihirang pagkakataon na yan.




Monday, January 3, 2011

2011

Unang araw ng taon. Merong mga bagay na nagpapasira ng mood ko pero mas pinili ko nalang na ipagkibit balikat ang mga taong ito. Mas gusto kong ngumiti, maging masaya at maging maligaya sa pagharap ko sa bagong taon.

Me mga di magagandang balita na na-itext sakin yung ate ko tungkol saming pamilya. Pero ano bang magagawa ko dun kundi hayaan na lamang sa ngayon at tignan natin sa mga susunod na araw kung ano ang maaring solusyon. Lahat ng problema me kaakibat na kalutasan, kelangan lamang ng kalmadong pag-iisip at maayos na daloy ng kaisipan upang makapag-decide ng tama;

Me tampuhan samin ni Gee pero nakakatuwang at the end of the day, ok na ulit kami. Ganyan lang naman kami at sana nga palaging ganyan. Walang perkpektong relasyon pero kung pwede namang iwasan ang mga bagay-bagay na sa tingin mo ay di naman makakatulong sa relasyon nyo, iwasan nalang. At least me improvement na samin, hehehe! Dati kasi laging nagsasalubong mga init ng ulo namin kaya nauuwi sa away;

Iniisip ko naman ang work ko. Sabi ng amo ko madadagdagan daw ang manpower namin. It's a good sign! Sana nga magkatotoo yun para naman di masyadong nakakapagod ang work;

Iniisip ko si GEE at aming relasyon. Madaming takot na hindi maalis-alis sa damdamin ko. Pero dapat di ako padaig sa takot na yun. Bagkus magsilbing inspirasyon ito upang magkatulong naming abutin ang mga pangarap naming dalawa.;

Mukhang tatamaan ako ng trangkaso, wag naman sana. Masama ang pakiramdam ko dahil na din siguro sa dami ng trabaho kasi year-end at kakulangan na din sa pahinga;

Gusto kong magpagupit yung kagaya sa F4, hahaha! Tagal ko ng pangarap yung ganung gupit pero parang di naman kasi bagay

Gusto ko ng palitan yung backpack ko, tapos gusto ko bumili ng bagong rubber shoes, palitan yung songs sa ipod ko, i-update yung mga pictures sa fb ko (alisin ang mga masasamang elemento), mag-save ng pera para sa future namin ni Gee;

Iniisip ko na ding mag come-out na lesbian ako sa mga close friends ko tapos bahala na sila sa mga buhay nila kung matatanggap nila ako (kaya ko kaya?);

Magseryoso sa pagsusulat sa blog ko kahit na wala namang bumabasa kundi yung isang kaibigan ko duon, hehehe (kilala mo na kung sino ka!);

Mag-gym para mabawasan ang timbang ko para pag nagkita at nagkasama kami ni Gee eh mas lalong tumulo ang laway nya sa pagnanasa nya sakin;

Yana nalang muna sa ngayon. Wish ko lang me matupad sa mga plano kong yan. Mababaw lang naman yan, yung iba hindi ko nalang share baka mausog eh, hehehe!