Saturday, January 29, 2011

Snooze

06:30 am - natunog ang alarm ng cellphone ko para sa alas-otsong pasok ko sa trabaho. tinatamad pakong tumayo kaya snooze ko muna;

06:35 am - muling tumunog ang cellphone ko, ibig sabihi ay tapos na ang 5 minutes na extension ko sa aking kama. kinuha ko ulet ang cellphone, snooze ulet;

06:40 am - tinatamad pa din akong tumayo, kaya snooze ko ulet, huling tawad ko na talaga, promise! ; 

06:45 am - sa ayaw at sa gusto ko, kelangan ko ng tumayo at kung hindi ay mahuhuli nako sa trabaho dahil malamang sa alamang, late ako sa usapan namin ng carlift ko na 7:15 ay nasa baba nako ng building namin at kapag wala ako ay iiwan na nya ako, haiizzzttt...

Snooze ang madalas na ginagawa ko sa cellphone ko kapag humihingi ako ng extension ng kahit sandali sa pagtulog ko, kapag tinatamad pakong tumayo at antok na antok pako lalo na kapag wala ako sa mood pumasok kasi magka-away kami ni GEE. Sana pwedeng i-apply ang snooze sa......
  • mahal sa buhay na pumanaw na nasa bingit ng kamatayan - na kung pwede lamang na i-extend pa yung pag-stay nya sa mundong ibabaw para mas matagal pa natin silang makasama;
  • isang tinatapos/patapos na relasyon -  na sana pwedeng snooze din, extend pa ng kahit 5 mins, 5 hours, 5 days, 5 weeks, 5 months, 5 years or lifetime snooze na upang magawa ang mga di nagawa, mabago ang dapat baguhin o kaya naman mas maipadama pa at maipakita na talaga namang worth pa na i-extend ang isang relasyon;
  • kapag natatapos ang usapan namin ni GEE - na sana wag muna talagang matapos ang landian session namin sa chat or email. minsan kasi kelangan na naming mag-pahinga, matulog, umalis, kumain, gumawa ng me kabuluhan (pero me sense naman yung landian namin), maligo, maglaba, maglinis ng bahay at kung ano-ano pa;
  • kapag iniiwan ako ng carlift ko - na sana kung binigyan nya ko ng extension na 1 snooze lang (5 minutes) di sanaĆ½ hindi ako late sa work ko;
  • kapag me pupuntahan na mahalaga tapos di natin inabutan gaya ng bangko, grocery, schedule ng bus o ng train, eroplano sa airport, start ng misa, start ng palabas, at etsetera;
  • babaeng buntis - na kung sana me snooze ang pagkakabuntis, kunwari extension na 5 days para antayin ang monthly period ng babae at kapag walang period (comma nalang!), sige ok na, buntis nga sya;
  • mga sale sa mall na hindi tumapat ng sweldo para makigulo sa sale, sa buy 1 take 1 o buy 2 take 1 at mga promo na ang ibaĆ½ marketing strategy lang kasi di naman talaga sale yung item;
  • kung si popoy at basya ay nag-snooze ng relasyon nila at nag-extend ng pasensya sa isa't-isa kasi sila din naman pala sa bandang huli, di sana nasaktan ng bonggang-bongga si trish tsk!;

Kung tutuusin, ang daming pwedeng mangyari sa bawat pag-snooze natin. Parang second chance yan, one more chance kumbaga. Pero sana, sa bawat snooze at bawat pagkakataon na binibigay satin, hindi natin sinasayang. Bagkus mas mag-exert pa tayo ng effort na gawing makabuluhan ang snooze ng ating buhay, kasi di lahat nabibigyan ng bibihirang pagkakataon na yan.




No comments:

Post a Comment