Thursday, November 18, 2010

Perfect Love Triangle

Kapag ang buhay pag-ibig ay kinasasangkutan ng tatlong tao, "Love Triangle" ang tawag. Pwedeng mahal ni A si B at si B naman ay mahal si C at tapos si C naman ay mahal si A, yan ang pinaka simpleng halimbawa ng love triangle. Love triangle, unang papasok sa isip mo, magulo me agawan na nangyayari, me pinag-aagawan at me mang-aagaw. Hahaha!

Eto ang istorya ng aking Perfect Love Triangle. Nung minsan kasi ka-chat ko yung isa sa mga exessss (with S talaga, hihihi!), napag-usapan namin ang nakaraan. Ako si A at yung ex ko si B. Naging GF ko si B college pako. Ok naman ang relasyon namin, kung hindi lang nanghimasok ang pamilya nya. Wala akong choice nun kundi ang makipag-hiwalay. Kasi, pinagmamalupitan na sya ng mga magulang nya dahil nga masama daw ang ginagawa namin. Pinagbubuhatan na sya ng kamay pati ata paa ginamit na din sa kanya, tsk! Dala ng kabataan at di pa namin kayang tumayo sa sarili naming mga paa at ipaglaban ang mga nararamdaman namin, naghiwalay kami. 
Eto na si C, bestfriend ni B. Tinawagan ako na me masamang nangyari ke B. Syempre, natakot ako kinabahan na baka matigokshi ang B, kaya sobrang nakonsensya ako. Sabi ko pa ata nun sa sarili ko, hindi nako magmamahal ng babae. Pero syempre, echos ko lang yun, kasi nga sobrang natakot ako nung panahon na yun. Naging constant ang communication namin ni C kasi sa kanya ako nakuha ng updates tungkol kay B. Ayun, ok naman at nakaligtas si B. Pero ako ang di nakaligtas sa pagkakahulog ng loob ko kay C. Kasi ba naman, araw-araw kami magkausap, minsan nagkikita pa kami tapos katext ko pa sya ng madalas. In-short, nagka-debelopan na kami. Hehehe. Pero syempre, lingid lahat yun sa kaalaman ni B. Oh di ba, ang haba talaga ng hair ko, hehehe!

Syempre walang sikret na di nabubunyag. Nalaman ni B na gelpren ko si C, syempre nasaktan sya at siguro nagalit pa sya samin ni C. Pero ganun talaga, nagmamahal lang naman tayo kaya patuloy na nagkakamali. Hindi nagtagal naghiwalay din kami ni C. Wag na nating sariwain pa ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni C, hehehe! Basta nawalan nako ng komunikasyon sa kanilang dalawa o hindi ko na matandaan kung anong nangyari pagkatapos ng mga nangyaring ganun. Kasi nga ang tagal na din nun, 8 o 9 taon na ata ang nakalipas.

Ang natatandaan ko na lang, nagkita-kita kami nila C kasama ang iba pa naming mga kabarakada nung college kami. Tapos nagulat ako, kasi gelpren na ni B si C, hahaha! Ang galing di ba? Para lang kaming triangulo talaga. Hindi ko alam pano nangyari yun, basta ang galing talaga! Tapos naghiwalay na din ata sila, hindi ko alam kung bakit.

Kaya ko natawag na PerfectLove Triangle to? Kais magka-kaibigan pa din kaming 3 kahit na ganon ang pinagdaanan namin. Kapag nagbabakasyon ako sa Pilipinas, nagkikita pa din kami kung may oras at pagkakataon lang din. Nung unang bakasyon ko, tandang-tanda ko pa na ang saya pa namin 3. Ilang beses pa kaming nagkita, kumain sa labas, nag-inuman, nagkwentuhan, tumambay...  Parang nung mga college pa kami, simpleng buhay lang masaya na. Maliban nalang nitong huling bakasyon ko, meron na kasing pagbabagong naganap gawa ng mga elementong ewan ko ba kung san nagmula.

Nakakatuwang balikan ang nakalipas. Eto ang kwento ng buhay ko na hinding-hindi ko kakalimutan at kung bibigyan ako ng pagkakataon sa susunod na buhay ko, gusto ko kasama pa din silang dalawa sa pangunahing karakter ng aking istorya. Sila kasi yung tipo ng tao na pwede mong kausapin sa kahit anong bagay, seryoso o kalokohan man.

Pero, pano nangyari na love triangle to eh wala naman agawan na nangyari? Hahaha, ewan ko din. Basta gusto ko lang yung title na yun. Pati blog ko naman to eh, hmp! Yung agawan episodes, behind the scenes nalang siguro, hehehe!

No comments:

Post a Comment