Saturday, November 27, 2010

Queen of my Heart


Bago ang post na ito, lumaban ako ng sugal na ikinatalo ko. Kaligayahan at kinabukasan ko ang itinaya ko dun. Wala nakong magawa noong mga oras na yun. Kumbaga sa giyera, duguan nako binabanatan pa din ako. TSK!

Pero syempre, nagpahinga lang ako. Nag-isip ng makabagong istratehiya na maari kong gamitin sa muli kong pagbawi sa dangal (naks!), pagkatao, kaligayahan at kinabukasan ko. Isama na din natin ang "sex life"ko, hehehe.

Duguan man ako sa nakaraang laban, eto ako ngayon at bumabangon. Pilit inilalalaban ang paniniwala, prinsipyo at pagmamahal na nakataya sa mapaglarong sugal ng pag-ibig. Walang nakasisiguro kung hanggang san ang itatagal namin, basta ang mahalaga, parehas naming inilalaban ang paniniwala namin na ang tanging baon namin ay lakas ng loob, paniniwala sa aming sarili at pagmamahal sa aming puso.

Inilahad nya ang baraha nya, kinabahan ako. Maganda kasi ang simula ng laban nya, umaayon sa kanya ang pagkakataon. Sinabi ko sa sarili ko, "ok lang yan, unang game palang naman". Ilang game ang lumipas, minsan pabor sa kanya at minsan pabor naman sakin. Nararamdaman ko nanaman na aalatin ako sa larong ito. Naguguluhan nanaman ako sa sitwasyon ko, laban nanaman ba o bawi. Inisip ko, kaya ko bang tanggapin? Kaya ko bang harapin? Kaya ko bang paninidigan? Bahala na si batman, yan ang sabi ko.

Last game na. Medyo maganda ang pinta ko sa aking baraha, napangiti ako. Hindi ko inaasahan to, pero kelangan kong pakalmahin ang mga kamay ko upang wag mawala ang swerteng nasa palad ko. Itinikom ko ang aking mga palad, baka sakaling makatulong ito upang wag makawala ang swerte, ayaw kong mahipan ito ng masamang hangin.

Bigla kang sumigaw, "Tama na! Suko nako!".  Natulala ako. Tama ba ang narinig ko? Sumusuko ka?

Ang saya ko! Hindi matatapatan ang kasiyahan na nararamdaman ko. Ang pagsuko mo ang simbulo ng tagumpay ko. Tagumpay sa larangan ng pag-ibig. Isinuko mo ang pride mo upang huwag masira ang laban ko. Isang sakripisyo na nakaka-bilib talaga.  Alam kong ang sakripisyo mo ay may kaakibat na pagmamahal. Panghahawakan ko yun.

Sa larangan n pag-ibig na minsan kong itinaya ang kaligayahan ko, nanalo ako. Alam kong hindi pa ito ang tunay na kahulugan ng kaligayahan at tagumpay. Ngunit, noong panahon na sumuko ka upang balikan ako, alam kong simula pa lamang iyon. Simula pa lamang at alam kong madami pa tayong pagdadaanan. At kung kaligayan ko at ikaw ang nakataya, susugal akong muli at lalaban. Kesa mawala ka sa akin at mawalan ng saysay ang aking inilalaban at ating pagmamahalan.

GEE, ikaw ang nag-iisang "Reyna ng Puso ko".





No comments:

Post a Comment