Saturday, November 20, 2010

Un-Lucky 9


Kahit na minsan hindi ko naging bisyo ang pagsusugal. Marunong ako ng lucky 9, pusoy dos, pares-pares, pekwa, unggoy-ungguyan at madami pa. Pero kapag me pera ng kasali, ayaw ko. Kasi, naniniwala akong walang yumayaman sa sugal. Sampol nalang yung Tito ko, nasayang lahat ng pinaghirapan nya ng ilang taon sa Saudi dahil lahat ng naipundar nya nawala dahil sa karera ng kabayo.

Isang sugal lang ang talagang nilalakasan ko ang loob ko, sugal ng pag-ibig. Ilang beses na ba akong sumugal? Ilang beses naba akong nanalo at ilang beses naba akong natalo? Minsan nananalo naman ako pero sa bandang huli, talo pa din ako. Kahit anong pagmamagaling ang gawin ko o teknik ang gamitin ko, wala talaga. Malas bako sa sugal o malas sa pag-ibig?

Kamakailan lang sumugal ako. Wala akong ideya kung anong klaseng sugal ang pinasok ko.Hindi ko alam kung mananalo ako o matatalo ako.

Unang baraha na hawak ko, pakiramdam ko talo ako. Pinag-isipan kong mabuti kung lalaban pa bako o hindi na. Sabi ko wag nalang, tutal talo naman ako. Hindi nako naglakas loob pa na ilaban yun, kasi nga unang baraha palang, kitang-kitang talo ako.

Nag-reset ako ng game. Iba na kalaban ko sa sugal, bago, mukhang matinik. Nagsimula na kaming maglatagan ng baraha. Yung hawak kong baraha ngayon, maganda unang pinta ko. Sabi ko sa sarili ko, wow! ang swerte ko ata ngayon. Bwenas! Sunod-sunod ang magagandang pinta ko. Me mga oras na minsan natatalo ako sa game nato, pero mas madalas ang panalo ko. Ang saya-saya ko, kasi pakiramdam ko umaayon sakin ang pagkakataon. Sabi ko pa, ok lang na natalo ako sa last game na sinalihan ko. Ngayon ok naman, kasi mukhang mananalo ako.

Mukha lang pala. Akala ko lang pala. Maling akala pala at masyado akong napalagay na mananalo ako. Huling ikot na ng baraha, medyo inaalat ako. Umaayaw na din yung kalaban ko. Kaya sa huling laro namin, sobrang kabado ako. Nasa bingit ng alanganin ang mga hawak kong baraha. Pwede kong ilaban kahit na mababa lang sya pero pwede ko ding hiritan baka sakaling tumaas pa sya. Pansamantala nalito ako, hindi ko alam kung laban o bawi ba. Sugal nga eh, humirit ako. Sabi ko "Isa pa!" Pagbigay ng huling baraha, hindi ko agad binuksan. Pinintahan ko. Kinabahan ako, kapiranggot palang ang ang nakikita ko pero alam kong mas lumakas ang kaba ng dibdib ko. Dahil pagbukas ko ng baraha....

Butata!

Talo!



No comments:

Post a Comment