Friday, December 31, 2010

2010

Sobrang busy sakin ang nagdaaang linggo. Pasko gusto kong sumulat di ko alam kung ano ang isusulat ko at talagang wala akong oras. Ngayon New Year na, kelangan me post ako bago maghiwalay ang taon. Kahit ba sobrang stress ako nitong nakalipas na linggo, kelangan magsulat ako, hahaha! 

Sa sobrang daming nangyari sakin, hiundi ko na matandaan ang iba. Pero syempre ang daming blessings na dapat ipagpasalamat. Pero pinaka-thankful ako sa:
  • lahat ng blessings ni God sa akin, sa pamilya ko, sa lahat ng mahal ko sa buhay at sa mga kaibigan at kaaway ko;
  • masayang pamilya na kahit minsan ay may mga away na hindi maiiwasan;
  • maayos na kalagayan at kalusugan ng aking kapamilya lalong-lalo na ng pinakamamahal kong lola;
  • pumanaw na mahal sa buhay at mga kakilala na simbolo lamang na mahal sila ng Diyos para tapusin na ang paghihirap nila sa ano mang pinagdadaanan nila lalo na sa sakit/karamdaman;
  • trabaho na sobrang hirap nga pero madami akong natutunan at nakakasalamuha na sumusubok sa haba ng pasensya ko at pinagkukunan ko ng anda/kwarta/salapi;
  • mga kaibigan na nawala/umalis/lumayo at nag-iwan ng bakas sa aking buhay;
  • mga bagong kaibigan at kakilala na nagdadagdag ng ligaya sa aking araw;
  • mga tunay na kaibigan na hindi ako iniwanan at tinalikuran sa mga panahong kailangan ko sila;
  • mga on-line friends ko at isang lesbian site na madami din naman akong nakilala at naging kaibigan;
  • relasyon na tumagal ng isang taon at anim (o pito?) na buwan;
  • isang masayang bakasyon kasama ang aking pamilya, kaibigan at ex-gelpren;
  • mga bagong damit na nabili ko kapag sale sa mall;
  • masusutansyang pagkain na nagpapadagdag ng aking timbang;
  • ang blog, twitter at tumblr account ko nagiging hingahan ko ng sama ng loob;
  • syempre yung bertdey ko kahit na nadagdagan nanaman ang edad ko;
At syempre pa.... 
  • ang aking bagong relasyon kay GEE... kinikilig ako sa tuwing kausap ko ang babaeng ito na nagpabago sa ikot ng aking mundo, nagbigay ng kasiyahan sa bawat minuto ng aking buhay (kahit na madalas ang tampuhan), nagsisilbing ilaw kapag naguguluhan ako, kausap ko sa kahit sa pinaka-walang kwentang bagay na mapag-uusapan namin pero super enjoy naman, babaeng pumupuyat sakin sa gabi pero inspired pa din akong gumising sa umaga at pumasok sa trabaho at sa mga dahilan na talaga namang nagpapakilig sa pagkababae ko, hahaha! GEE, mahal na mahal kita at alam kong mahal na mahal mo din ako. Sana maantay mo aking pag-uwi at alam mong wala akong ibang hangad kundi ang makasama ka hanggang sa ating pagtanda dahil magchi-chikahan pa din tayo ng non-stop kahit uugod-ugod na tayo.
Itaboy ang masasamang pangyayari sa taong 2010 at tuluyan ng burahin sa ating isipan. Hindi importante ang nakalipas. Mag-focus tayong lahat sa ngayon at sa hinaharap kaya i-welcome natin ang 2011 ng may ngiti sa ating mga labi, galak sa ating puso at positibong pananaw para sa ating buhay.

Masaganang Bagong Taon sa lahat!


No comments:

Post a Comment